Komedyanteng si Jo Koy, sorpresang bumisita sa Bacolod City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Komedyanteng si Jo Koy, sorpresang bumisita sa Bacolod City

Komedyanteng si Jo Koy, sorpresang bumisita sa Bacolod City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 09, 2023 02:55 PM PHT

Clipboard

Bumisita sa Bacolod City noong Biyernes ang Filipino-American Hollywood celebrity comedian na si Jo Koy.

Sumakay siya ng pampasaherong jeep papuntang Alangilan Elementary School para sa unveiling ng road project ng kanyang foundation.

Pinsan ng kapatid ni Jo Koy na si Gemma Herbert Simmons ang teacher sa Alangilan na si Veneranda Ortono, kaya nakarating ang mga proyekto ng sikat na komedyante sa kanilang paaralan.

Ayon kay Veneranda, nag-donate din si Jo Koy ng $25,000 para sa pagpapatayo ng basketball court at canteen.

ADVERTISEMENT

Tinutulungan din ng Jo Koy Foundation ang pagpapatayo ng library ng isa pang public high school.

Sa kanyang mensahe sa mga estudyante, sinabi ni Jo Koy na dapat silang mag-aral ng mabuti para mapaganda ang kanilang kinabukasan.

"He was so happy and very touched with our program for him," sabi ni Veneranda

Umalis ang grupo ni Jo Koy Biyernes ng hapon at dumiretso ng Iloilo at Boracay.

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas si Jo Koy, at dumalaw rin sa kaniyang mga kamag-anak sa La Union.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.