TIPS: Tamang pagtatapon, paghihiwalay sa basura | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Tamang pagtatapon, paghihiwalay sa basura

TIPS: Tamang pagtatapon, paghihiwalay sa basura

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 06, 2019 01:12 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nanawagan ang mga miyembro ng ilang advocacy groups na isaayos ang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa lipunan at kalikasan.

Ayon sa kay Dr. Elisa Tible-Caoyonan, pinuno ng Zero Waste Recycling Movement of the Philippines Foundation, Inc. ay mahalaga ang tamang pagtatapon ng basura dahil madalas pinakaapektado sa iresponsableng waste disposal ang mga mahihirap.

"Pupunta na 'yan sa dagat o sa river na ang maaapektuhan ang mga mahihirap kasi sila po ay kailangan po nila ng malinis na tubig," ani Tible-Caoyonan sa "Sakto" ng DZMM.

Dagdag niya, nagdudulot ito ng negatibong epekto sa klima at dahilan para maipon ang tinatawag na greenhouse gases na nagreresulta sa pagtaas ng temperatura sa buong mundo.

ADVERTISEMENT

Nanawagan naman si National Solid Waste Commission (NSWMC) commissioner Cris Lao na tangkilikin ang mga bilihin na maaaring i-recycle.

"Anything rigid o matigas na plastic nare-recycle po iyan, so 'yun ang piliin natin," aniya.

"Kailangan may awareness po tayo na ano ba ang puwedeng i-recycle? Iyon po ang piliin natin if we can afford it," dagdag niya.

Mahalaga din aniya ang wastong pagtatapon ng basura, partikular na ang paghihiwalay o pag-segregate nito.

"Kailangan po natin tingnan ang may less environmental impact. At the end of the day responsibilidad po ito ng tao," ani Lao.

Ipinapayo ni Lao ang color coding sa pagtatapon ng mga basura sa bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.