ALAMIN: Mga susuwertihin ngayong Year of the Water Tiger | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga susuwertihin ngayong Year of the Water Tiger

ALAMIN: Mga susuwertihin ngayong Year of the Water Tiger

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Magsisimula sa Pebrero 1, 2022 ang Chinese New Year.

At ngayong Year of the Water Tiger, magiging masuwerte ang mga taong may water element, ayon sa feng shui expert na si Hanz Cua sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

"Any water element, this is your money or your wealth element," ani Cua.

"Ang general forecast ng Tiger. Si Tiger mismo ay very aggressive siya. Kung year 2020 ay nagtago tayo, Rat, ang 2021 si Ox naman medyo nag-struggle ng konti. Si 2022 naman, si Tiger naman is nandito tayo sa hunting mode. Gusto nating magsimula na. Parang lumalabas na tayo," ani Cua.

ADVERTISEMENT

"Itong Water Tiger na ito lumabas siya ng spring season. So si Tiger 'di siya masyadong aggressive pa rin this year, kasi ang aggressive season ni Tiger is during mainit na season o fire season. Spring season ang tiger na ito, so marami pa rin siyang gustong gawin, pero marami pa ring delays o pagbabagal, o marami pa ring humahadlang sa general chart o general forecast ng Water Tiger," dagdag ni Cua.

Ayon kay Cua, masuwerte sa usaping pag-ibig ngayong 2022 ang mga taong ipinanganak ng Year of the Dragon, Snake, Pig, Dog at Horse.

Masuwerte naman sa karera ang mga taong may trabaho na may kinalaman sa fire element tulad ng sa social media at pagkain.

Ang mga suwerte naman pagdating sa karera ay ang mga taong ipinanganak sa Year of the Rat, Dog, Pig, Ox, Tiger at Horse.

Kailangan namang bantayan ng mga taong ipinanganak sa Year of Goat at Monkey ang kanilang kalusuguan.

Ayon kay Cua, para naman sa usapin pinansiyal o financial wealth, masuwerteng maglagay ng anumang bagay na may kinalaman sa Tiger sa hilagang-silangan (northeast) ng bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.