ALAMIN: Paano magbabawas at mag-aayos ng mga gamit? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano magbabawas at mag-aayos ng mga gamit?

ABS-CBN News
Published Jan 01, 2018 04:19 PM PHT

Tinatawag na decluterring ang paraan ng pag-aayos at pagbabawas ng mga kagamitan sa bahay upang magkaroon ng kaaya-ayang tirahan.

Pero marami ang nahihirapan kung saan magsisimula at kung ano ang tamang paraan ng pag-ayos ng mga ari-arian.

Sa programang "Sakto" ng DZMM, pinaliwanag ni Wowie Catabijan, isang minimalist mula sa Pilipinas Coalition for Financial Literacy, ang "Konmari method."

Ito'y isa umanong epektibong paraan ng pag-declutter na likha ng Japanese organizing consultant na si Marie Kondo.
Ito'y isa umanong epektibong paraan ng pag-declutter na likha ng Japanese organizing consultant na si Marie Kondo.
ADVERTISEMENT
"Mayroon talagang proseso sa pag-organisa ng mga bagay," sabi ni Catabijan.

Sa ilalim ng Konmari method, ipapangkat muna sa mga kategorya ang bawat kagamitan sa bahay bago ayusin, itago o itapon.

Mayroon ding tamang pagkakasunod-sunod ang pag-organisa sa mga kategorya: damit, libro, papel (mga dokumento at resibo), miscellaneous o iba pa, at sentimental items o mga bagay na pinakakaingatan o may halaga sa may-ari.

"By categories muna. Since ang first ay clothes, lahat ng clothes itatambak sa harap natin at tsaka tayo magso-sort," paliwanag ni Catabijan.

"Titingnan [mo] kung talagang 'yong bawat isang damit ay talagang makakatulong sa atin, magagamit, kasya pa ba sa atin," aniya.

Inuuna ang ibang kategorya upang mapaghandaan umano ang pagharap sa mga bagay na may sentimental value.

"Siyempre kapag napagdaanan na natin iyong ibang categories mas malakas na yong loob nating i-tackle 'yong mga sentimental items," ani Catabijan.

Nagiging mas maginhawa kasing tirhan ang isang lugar na may kaayusan sa kagamitan.

"Isipin nila ano ba iyong nakakaginhawa, ano ba puwedeng matanggal sa mga bahay, buhay na puwede gumaan ang kanilang pakiramdam nang hindi nagkukulang sa gamit," ani Catabijan.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng financial adviser na si Burn Gutierrez ang mga Pilipino na iwasang bumili ng mga hindi naman kailangan.

"Sana bawasan [natin] ang ating urge na gumastos kasi dito nagsisimula yung pag-pile up ng ating mga kagamitan sa bahay," sabi sa DZMM ni Gutierrez.

Paliwanag ni Gutierrez, nagiging sanhi ang mga napabayaan kagamitan ng mga sakit at pinamamahayan ng mga insekto.

"[Kapag] hindi alam kung itatapon o ipamimigay ba ... nagko-cause ng hindi maganda loob ng bahay. Inaanay, nagkakasakit kasi 'yong mga lumang gamit nag-gather ng dust or viruses," ani Gutierrez.