Krizzy at Jywhon, inalala ang tunay na dahilan na kanilang breakup | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Krizzy at Jywhon, inalala ang tunay na dahilan na kanilang breakup | It’s Showtime

Krizzy at Jywhon, inalala ang tunay na dahilan na kanilang breakup | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Jun 14, 2024 03:46 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Long weekend is coming! Pero bago pa man ang mga weekend gala n’yo, i-enjoy muna ang bonding with the ‘Showtime’ family. To kick off the party mood, may hatid na all-out performance ang international singer na si Sheldon Riley.

Blockbuster ang good vibes sa “Showing Bulilit” with our future superstars Argus, Kulot, Jaze at Kelsey. Sila na ang bahala sa aktingan na pangmalakasan.

Ang ‘Showtime’ hosts, ayaw paawat sa panghuhula ng mga pamagat ng iconic movies. Pansin ng grupo na inspired si MC. Uy, dahil ba ka-tandem n’ya si Wize Estabillo ng Showtime Online U? Pero hindi rin naman sumuko ang ibang pares for today’s video: Cianne Dominguez at Lassy, Ion Perez at Ryan Bang, Darren Espanto at Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta at Jackie Gonzaga.

Relasyon na nagsimula sa eskwela, hindi pumasa sa mommy ni gf. Nadurog tuloy ang puso ni Jywhon. Pero huli na ang lahat para sa isang pagkakataon, dahil si Krizzy, handa nang itapon ang kahapon. Alamin ang kanilang kwento sa “EXpecially For You.”

ADVERTISEMENT

Si Krizzy ang nanligaw kay Jywhon sa pamamagitan ng love letters. Nag-uumapaw ang kilig sa simula ng kanilang pag-ibig. Pero ang akala nilang magtatapos sa forever, nagkaroon ng ending na masakit at bitter. Dahil ang mommy ni Krizzy, maka-ilang ulit na ipinamukha kay Jywhon na hindi sila bagay. Dumating pa sa puntong si Krizzy, nireto na ni mommy sa ibang guy.

Samantala, walang kaalam-alam si Krizzy sa sama ng loob na pinagdadaanan noon ng nobyo. Akala lang niya, sadyang may mahal nang iba si Jywhon matapos n’ya itong mahuli na may ibang kalandian at kausap sa phone.

Paaralan nila ay kanilang ibabandera sa pamamagitan ng pagkanta. Tunghayan ang matinding laban ng mga golden tinig sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang future architect ng University of Baguio na si Roalph Ramos na kumanta ng “Lunod.” Katulad ng klima sa Baguio, malamig na boses ang hatid n’ya sa mga manonood.

Kalmado pero palaban – ‘yan si Nayela Nocquiao ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue na kumanta ng “Di Na Muli.” Ang future guro na ito, pinabilib din ang mga hurado. Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina Jed Madela, Kyla, at Erik Santos. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.