Kim at Jerald, muling nagkasama sa It’s Showtime! | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim at Jerald, muling nagkasama sa It’s Showtime!

Kim at Jerald, muling nagkasama sa It’s Showtime!

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 09, 2024 04:21 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Happy ba ang mood today? We say ‘dasurv’! Deserve n’yo ang isang Sabado na puno ng good vibes at tawa! But to add a little spice, budburan natin ng kaunting hugot ang weekend, kasama ang iconic OPM band “Freestyle” na may bagong kanta tungkol sa ‘Besprend’. Kung natotorpe ka at takot mag-confess, play mo na ang song na ‘to, bes!

Ang ‘bestie’ naman ng bayan, nagbabalik mula sa Taiwan! Kim Chiu, everyone! Kumusta ang experience ni Kim sa red carpet ng ContentAsia Awards 2024? At gaano siya ka-proud to represent the Philippines sa nabanggit na awards night?

Sasakit ang tiyan mo sa kakatawa dahil sa ating mga comedians na bisita! Laptrip to to the max ang ganap sa bagong segment na “Throwbox.”

Kabilang sa players sina “FPJ’s Batang Quiapo” stars Jerald Napoles at Long Mejia, kasama ang iba pang paborito pagdating sa komedya, tulad nina Negi, Anton Diva, Petite, Ayah Mina, at Alex Calleja.

ADVERTISEMENT

Sa larong ito, ang mga contestants ay pipili ng kani-kanilang box. Pero isang kahon lamang ang espesyal at magdadala sa isang player sa jackpot round. Si Jerald ang maswerteng nakakuha ng kahon na nagkakahalaga ng 10, 000 pesos. Gamit ang pera na yan, susugal siya sa jackpot round, kung saan bitbit naman ng ‘Showtime’ hosts ang mga boxes na may corresponding prize money at isang ‘throwback’ question based on a specific year or era. Kada tamang sagot ni player, sa kanya na ang premyong katumbas ng kahon na napili niya.

Sa dulo, haharapin niya ang sorpresa ng isang ‘super box’ na naglalaman ng pinaka-matinding ‘throwback’ question: “Alin sa ma gulay sa Bahay Kubo ang tinatawag na ‘winged bean’ sa Ingles?” Pero ang mas matinding tanong–pera ba ni Jerald ay magiging doble o triple, o mangangalahati?

Madlang people ay napapatili sa excitement habang natututo. Triple-triple talaga ang pasabog at papremyo dito!

Mga estudyanteng Top 1 sa kantahan ang muling naglaban-laban sa ‘Prelims’ ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Pinaghandaan ni Wise Yurong ng St. Estanislao Kostka College ang kanyang pagbabalik sa entablado bitbit ang piyesa na “Still Loving You.” Si hurado Bituin Escalante, nakikita ang sarili kay Wise, pero advice niya, mas iparamdam ang mensahe ng kanta.

ADVERTISEMENT

Para kay hurado Ogie Alcasid, humahaplos sa puso ang “Healing” performance ni Leanne Layague ng University of San Jose-Recoletos.

Sino Ako,” tanong ni Divine Light Academy student Scarlette Yape sa entablado. Performance niya, “refreshing” para kay Dingdong Avanzado.

Hindi sinayang ni Den Quiatchion ng National University-Laguna na muling pabilibin ang mga hurado at madla. Ang kanyang “A Natural Woman” rendition, nakatanggap ng standing ovation.

Last but definitely not the least, ang pambato ng Daniel Maramba National High School. Hinarana ni Prince Chad Poserio ang madlang people sa awitin na “Kung Wala Ka.”

Matapos ang salpukan sa entablado, si Den ang nakakuha ng pinakamataas na grado mula sa mga hurado. Pasok na siya sa ‘Midterms’.

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.