ALAMIN: Mga ipinagbabawal sa ilalim ng election gun ban | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga ipinagbabawal sa ilalim ng election gun ban
ABS-CBN News
Published Apr 19, 2018 06:20 PM PHT

Ngayong nalalapit na ang eleksiyon para sa mga posisyong pang-barangay at sangguniang kabataan (SK), ipinatutupad na rin ang gun ban at iba pang mga prohibisyon sa buong bansa.

Ikinasa na rin ang mga checkpoint sa pagsisimula ng election period noong Abril 14.

Sa programang "Usapang de Campanilla" sa DZMM, ipinaliwanag ni Police Chief Inspector Bryan Gregorio ng Philippine National Police (PNP) kung ano ang mga ipinagbabawal sa ilalim ng gun ban.

Ayon kay Gregorio, mahigpit na ipinagbabawal ng awtoridad ang pagdadala ng baril sa labas ng bahay, kahit na lisensiyado pa ito.

"We would like to remind the public, even those who actually possess permit to carry firearms outside of residence, cancelled po iyan, huwag po nilang dadalhin outside of their residence...because they will be arrested for violation of the Comelec (Commission on Elections) gun ban," sabi ng opisyal.

Maaaring maharap sa anim na taon at isang araw na pagkakakulong ang sino mang mahuhulihan ng baril, ayon kay Gregorio.

Aniya, matatapos ang gun ban sa Mayo 21 o pitong araw pagkatapos ng mismong araw ng eleksiyon sa Mayo 14.

Ngunit maaari namang mabigyan ng "exception" ang mga taong kabilang sa law enforcement agencies, opisyal ng gobyerno, at mga personalidad na may patunay na may banta sa kanilang buhay.

Nagpapaalala rin si Gregorio sa publiko na ipatutupad ang liquor ban sa hatinggabi bago ang mismong araw ng eleksiyon.

Sa ilalim ng liquor ban, ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa labas ng bahay.

Panuntunan sa mga checkpoint
Samantala, ipinaliwanag din ni Gregorio ang mga panuntunan na kailangang sundin sa mga checkpoint sa buong bansa.

"Basically, ang Comelec checkpoint, maaari namang gawin ng araw o gabi kung saan sa tingin ng isang commander ay mas necessary para ika nga mas ma-apprehend 'yung mga violators," ani Gregorio.

Ayon sa opisyal, kailangan ay may isang nakatayo na checkpoint sa bawat siyudad o lugar ngayong election period.

Kung sa gabi naman ikakasa ang checkpoint, dapat aniya ay nasa maliwanag itong lugar.
Kung sa gabi naman ikakasa ang checkpoint, dapat aniya ay nasa maliwanag itong lugar.
ADVERTISEMENT
Kailangan din ay naka-uniporme ang mga opisyal na magsasagawa ng checkpoint.

"The PNP members who are conducting the checkpoint should be in proper uniform. And they should be duly-supervised by a commissioned officer, so ang pinakamababang ranggo for example is a police inspector," ayon kay Gregorio.

Dapat din aniya ay may naka-display na signboard ang checkpoint.

"Nakalagay doon, 'Stop, Comelec Checkpoint,' nakasulat doon 'yung pangalan ng election officer na nakakasakop sa ano mang area 'yan, nakalagay din 'yung pangalan ng police officer na in-charge din doon sa checkpoint na 'yon," sabi ng opisyal.

Iginiit din ni Gregorio na kailangan ay igalang ang mga karapatan ng mga motorista.
Iginiit din ni Gregorio na kailangan ay igalang ang mga karapatan ng mga motorista.
ADVERTISEMENT
"Ang procedure sa checkpoint, kinakailangan visual search lang, When we say visual search, hindi 'yung nagche-checkpoint ang maghahalungkat ng iyong gamit, ibig sabihin, titingnan niya 'yung sasakyan mo kung ano nasa loob," sabi ni Gregorio.

Ang kailangan lang gawin ng mga motorista ay patayin ang headlight, buksan ang cabin light, at ibaba ang bintana, sabi ng opisyal.

Ngunit ayon kay Gregorio, puwede ring ipabukas ng mga awtoridad ang compartment ng sasakyan at magsagawa ng "thorough search" kapag may napansin na kahina-hinala sa loob ng sasakyan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
DZMM
Usapang de Campanilla
gun ban
election period
comelec
PNP
barangay election
SK polls
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT