FREEZE! Verna, pinaglaruan ang camera sa Breaking Muse | It’s Showtime
ADVERTISEMENT

ABS-CBN Studios
Published Jul 02, 2025 01:18 PM PHT
|
Updated Jul 02, 2025 05:57 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Take your vitamins today. Huwag kalimutang alagaan ang sarili. At magdala ng panangga sa ulan, na parang si ex, ‘di mo namamalayan bigla na lang nagpaparamdam.

Ramdam naman ang taas ng energy sa studio with an all-out dance showdown kasama ang Team ‘Stars On The Floor.’ Uy, bagay d’yan si Kuys Vhong Navarro! Hindi nakatiis at ginaya ang steps ni Coach Jay, na masaya sa pagbabalik sa kan’yang orihinal na tahanan. Si Coach Jay ay mula sa grupong XB Gensan at choreographer ng SB19.

Kumapit ka dahil malakas na appeal at confidence ang yayanig sa’yong mundo. Parang bagyo, malupit humagupit ang fighting spirit nina Verna Tuliao ng Barangay BF International-CAA at Ekang Comboy ng Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Ang kagandahan ni Verna, hindi generic, walang halong kemikal, organic! Sa awrahan niyang “pure breed,” pati sina hurados Jilian Ward at Jessy Mendiola, na-intimidate. At ang masasabi lang niya kay Jillian, “I pity you.” Mabuti na lang naikasal na si Jessy, dahil kung si Verna ang unang nasilayan ni Luis Manzano, lagot na, malamang hindi kayanin ni Luis ang head-turning beauty ni Verna. Sorry na Jillian at Jessy, basta alam n’yo na kung saan kayo lulugar, ha?

Si hurado RK Bagatsing, uuwing broken. Dahil si Verna raw ay taken. Sakit, RK? ‘Di bale, titigan mo na lang ang kagandahang wala ka nang hahanapin pa, ang kagandahang pinaglihi sa periwinkle – mamimili ka na lang kung ‘yung bulaklak o kuhol ba. Ang kan’yang ina ay Waray, at ang tatay niya ay mula sa Iraq, kaya ang mukha niya? Warak.

Kung gagamitin niya ang kan’yang face card sa restaurant, siguradong ‘bestseller’ ang ihahain sa kan’ya. Dahil sa ganda niya, hindi ka na lugi, may sukli pa! Sobrang consistent ni Verna, muntik nang manggigil si Vice Ganda, lalo na sa pa-Ingles nito nang makipag-aktingan kay Darren Espanto.

Samantala, si Ekang, hindi palalamang! Kung ganda lang ang usapan, with full confidence siyang lalaban. Sakto naman ang tanong na nabunot ni Ekang, na kung krimen ang pagiging maganda, kailan siya makakalaya?

Hindi lang confidence, kundi talent ang bitbit ng dalawa. Kinanta ni Verna ang “Dyosa,” very fitting for her out-of-this world beauty. “Amakabogera” naman ang peg ni Ekang.

Ang star-studded judges, bilib na bilib! Nag-thank you si Jillian for the good vibes. Si RK, nakita ang hinahanap na enjoyment. At si Jessy, na-impress sa wit ni Verna, na papasa bilang host. Aba, teka, kinabahan sina Vice Ganda. So, kung ipapasok na host si Verna, sino sa Showtime family ang dapat mawala? At sino kina Verna at Ekang ang may panalong ganda?

Boses naman ang labanan sa “Tawag Ng Taghalan Year 9.”

“Isa Pang Araw,” birit ni Rizelle Balanga, na pinuri ni hurado Marco Sison for her youthful vocals. Isang kilig harana naman ang hatid ni Marco Zamesa, na kinanta ang “Bakit ba Ikaw?” Malakas ang stage presence ni Marco, sabi ni hurado Dingdong Avanzado, pero payo nito, mag-ingat sa song choice.

Si Marco ang umabante sa KanTapatan kung saan kan’yang nakalaban ang defending champion na si Alexa Salcedo.

Komento naman ni Punong Hurado Louie Ocampo, balladeer ang bagay na branding kay Marco, kaya dapat pumili ng kanta na nakakaguwapo. Magaling din si Alexa, ngunit si Hurado Louie, mayroong kaunting napuna.

Matapos ang laban, isang bagong kampeon ang tumuntong sa tuktok ng tanghalan. Babalik si Marco upang golden mikropono ay depensahan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Read More:
Breaking Muse
Breaking Muse Verna
Breaking Muse Verna freeze
Its Showtime
Showtime
Vice Ganda
Vhong Navarro
Jhong Hilario
Anne Curtis
Ryan Bang
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT