Vice Ganda, tinawag na ‘big winner’ si Shuvee | It’s Showtime

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, tinawag na ‘big winner’ si Shuvee | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jul 15, 2025 11:34 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

I-flex ang kulit, smile ay itodo sa pagbisita ni “PBB Gen 11” 3rd Big Placer Kolette Madelo. Hindi ka kukulangin sa energy when you sayaw-sayaw with Kolettey!

Very proud si Ogie Alcasid, na ikinuwento kung gaano kabait si Kolette na um-appear sa music video ng kanta niya. Biro nina Vice Ganda at Vhong Navarro, “Mabait basta napapakinabangan mo?” Ang kulit talaga ng biruan sa pamilyang ‘to!

Kilometro man ang layo, tatawirin upang masilayan ang mga pambato ng barangay na feel na feel ang kanilang kaguwapuhan sa ‘Escort of Appeals.’ Sina JM Ibarra at Fyang Smith, dumating at hindi tayo biniktima ng ghosting. Nag-sample pa ng “Kilometro” dance ang love team! “PBB Gen 11” represent, sigaw ng JMFyang. “PBB Collab” naman ang ibinandera ni Shuvee Etrata. So, kaninong batch nga ba talaga ang mas bongga?

Kasama rin natin si beloved ‘kontrabida’ Gladys Reyes, na hindi kokontra sa kaguwapuhan na kanyang makikita. Sina JM, Fyang, at Gladys ang kumilatis sa dalawang poging umaapela!

ADVERTISEMENT

Nakita ni Karim (ng Brgy. Don Bosco) ang kanyang kinabukasan nang si Kim Chiu ay masilayan. Pero, it’s a prank! Pinaasa mo naman ang Chinita Princess, nak! Kaya si Kim, nalungkot at humugot tungkol sa mga gwapong manloloko.

Maging si Karim man ay may pinaghuhugutan. Maingat lang pala siya dahil sa mga rejections na pinagdaanan. Samantala, ‘natuloy’ rin ang birthday prod ni Cianne Dominguez. Congrats, Cianne! Achieve! Ang next agenda ni Vice Ganda, ipasok si Cianne sa “PBB.” Bakit daw? Para doon lang muna siya sa Bahay Ni Kuya.

May pa-bulaklak na parang nanliligaw si Rico ng Brgy. Balong Bato. Pero si Vice Ganda, may naamoy na kakaiba sa bulaklak na nakuha. Kakaiba rin ang karisma ni Rico, na minsang binasted ng magandang kabarangay. Hindi naman niya ugaling magbitaw ng matatamis na pangako, basta isa lang ang sigurado, magandang lahi ang ibibigay niya ‘pag siya’y inibig mo.

Pagkatapos ng Q&A and talent showdown, our Board Members couldn’t calm down. Ang lakas ng dating ng escorts, si Fyang, muntik makalimot. Parang si Karim na ang gustong maka-love team! Gets naman nina hurado JM at hurado Gladys ang kilig na bumalot sa buong studio. Sino kaya ang panalo sa dalawang gwapo?

It’s complicated ang eksena sa ‘Step In The Name of Love’ dahil si matchmate Rey, minsang nagkaroon ng feelings for bestie Chelle. Sa una’y nega ang opinyon nina hakbangers Ruby, Norie, at Malou, ngunit ang mga isip ay nagbago dahil sayang nga naman ang pagkakataon, ‘no!

ADVERTISEMENT

Sadyang loving and protective friend lang talaga si Rey, especially as a ‘kuya’ sa mga kaibigang babae. May strict side man, pero sweet at maaalalahanin pa rin. Sabi ni hakbanger Norie, nakakasanayan naman ang ugali ng tao, that’s why Vice Ganda reminded our ladies na may mga bagay na hindi dapat i-normalize sa isang relasyon katulad ng violence.

No violent reaction naman sa paghaharap ng matchmate at tatlong hakbangers. Si Rey ay mukhang mabait at maporma, man of few words ang awra, sabi ng tatlong babaeng magaganda. Pero sa dulo, isa lang panalo! Ang napili ni Rey ay si Malou!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.