Vice Ganda, G na G sa OOTD niya | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, G na G sa OOTD niya | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jul 12, 2025 05:33 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Happy weekend, Madlang People! Congrats dahil na-survive natin ang Monday to Friday, kaya good vibes lang ang pwedeng i-catch today. Bawal i-catch ang sakit ngayong tag-ulan kaya ang vitamins huwag kalimutan. 

Vitamin G, as in Vitamin Good Vibes ang hatid ng ‘Showtime’ family! Hindi ‘yan G as in “grr” na galit, pero pwedeng G as in “grr” na gigil sa happiness. Parang si Jhong Hilario, napa-grr sa sarap ng baong adobo.

Si Kim Chiu, napa-grr naman sa magandang balitang bumungad sa kan’ya tungkol sa “My Love Will Make You Disappear” movie nila ni Paulo Avelino. At may espesyal na pagbati pa nga si Chinita Princess sa kan’yang on-screen prince. 

G, as in game ang mga seniors na makahanap ng spark sa “Step In The Name of Love.” Nakilala natin si Rose, na very ‘gene-rose,’ very giving sa friends and family. Mahilig manlibre ng pizza, ‘yung pepperoni. 

ADVERTISEMENT

Pero sabi ni bestie Baby, meron itong habit na maaaring ‘red flag’ ang dating sa iba. Mahilig itong mag-shopping kahit hindi naman talaga kailangan ang bibilhin, “impulsive buyer” kung tawagin. Ito ang nagpababa kay hakbanger Boy, isang electrician na nag-open up din tungkol sa kan’yang nakaraan. Bumaba pati si hakbanger Zaldy na ayaw sa mga maluho. Ang tanging nag-step up ay si hakbanger Rey, na nag-share naman tungkol sa dynamic ng mga seniors na mag-bf at gf. 

Later on, ipinaliwanag ni Rose na gusto lang niyang i-reward o i-treat ang sarili for her hard work. And of course, she makes sure to stick to her budget. At bumawi naman sina Zaldy at Boy sa next round, napaakyat dahil sa good-heartedness ni matchmate. 

Sa dulo, mas sumarap ang laban nang si Rey at Boy ay mag-tie sa hagdan. Pero ang pinili ni Rose ay si Rey, kaya na-senti si Meme! Kapangalan sila ng kanyang ina’t ama, kaya ang request niya, patugtugin ang “Portrait of My Love” na theme song ng mga magulang niya. At nang magkaharap ang matchmate at hakbanger, pakiramdam ni Meme ay parang nagkitang muli sina Nanay Rosario at Tatay Rey. 

Samantala, may special pianono reward naman si Meme Vice Ganda para kay Kim Chiu. Dahil sa gutom o sa joke na havey? Pati kanta ni Kim, naalala tuloy ni Meme! 

G, as in galing ang ipinakita ng mga mang-aawit na kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

ADVERTISEMENT

 Unang sumampa sa entablado si Junetz Sanchez ng Mahinog, Camiguin na naghatid ng romantic vibe sa studio singing “Hopelessly Devoted To You.” Nabilangan man dahil sa inconsistencies, naitawid naman niya ang kanta hanggang dulo. 

Sana’y Ako Na Lang” ang piyesa ni Masyong Mayunila ng Cebu, na nabilangan din ni punong hurado Louie Ocampo, at binigyan ng advice ni hurado Bituin Escalante tungkol sa nasal singing. Para pagaanin naman ang mood, si Erik Santos ang biniro ni Vice Ganda dahil sa estilo nito ng pagkanta.

Si Junetz ang umabante sa KanTapatan round kung saan napabilib niya si Maestro Louie, na sinabing mas gumanda ang performance niya.  Bumawi si Junetz, ayon kay Maestro matapos itong mabilangan sa first round. Pero ginalingan din ni defending champion Leira Anne Raynes ang pagkanta ng “I Dreamed a Dream.”

Wagi si Leira Anne, na naging emosyonal dahil pasok na siya sa isang koponan ng “TNT Year 9.”



Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.