Arnel at Mamerto, may mainit na harapan sa ‘Baranggaan’ | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Arnel at Mamerto, may mainit na harapan sa ‘Baranggaan’ | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jul 11, 2025 04:37 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Pretty little baby! I-flex ang pagiging gandang babae at gandang lalaki today dahil weekly finals ng Breaking Muse at Escort of Appeals.

Pero bago ang puksaan ng mga pambato ng baranggay, jamming muna tayo kasama ang mga pambato naman ng "Tawag Ng Tanghalan." Perfect sa chill na Biyeres ang malalamig na boses ng apat na gwapings na idol sa singing. Isang harana ang hatid ng grrupong 4 Play nina Ian Manibale, Mark Justo, Eich Abando at Miah Tiangco. At meron din silang muse–si Marielle Montellano, na very blooming lately, pansin n'yo rin, 'no?

Dahil si Meme Vice Ganda, pansin na pansin ang glowing aura ni Marielle. Ito 'yung ganda na nanggagaling sa happiness and heart, kaya real na real. At mas lalo pang humanga si Meme dahil sa feedback ng 'Showtime' family. Balita namin, si Marielle, magaling na, mabait pa!

Heto naman ang latest sa Breaking Muse at Escort of Appeals! Para sa labanan ng kagandahan, sina Dyosa at Joyang ang nagpuksaan. Sina Arnel at Mamerto naman ang nagpataasan ng level ng kaguwapuhan.

ADVERTISEMENT

Simulan natin ang labanan sa pagalingan ng talento. Si Dyosa, itinodo ang pagkanta ng "Kilometro" habang tumatakbo. Nagkaroon ng instant fun run sa labas ng studio! Buwis-buhay naman ang paandar ni Joyang ala Lady Gaga with matching ‘alarma.’

Malamig ang panahon pero pinainit ni Arnel ang mga ulo, este, ang malakas na sigawan ng mga tao sa pagsayaw niya na mala-Ne-Yo to the tune of "All These Ladies" by BGYO. Original rap song naman ang kinata ni Mamerto, with special guest – 'Snoop Dogg' in the house, yo!

Pagkatapos ng concert-like talent portion, sa BARANGGAAN naman nagharap ang mga muse at escorts. Taglay nilang talino sa pakikipagdebate, nasubok.

Si Dyosa, na iskolar ng University of Asia and the Pacific, nakipagtalo sa street-smart na si Joyang tungkol sa usaping tambayan. Saan dapat tumambay ang magaganda? Sa court o sa tindahan? Hirit ni Dyosa, court ang center of the community; sagot naman ni Joyang, tindahan is the place to be dahil lagi siyang nanlilibre. Isa lang ang hindi libre, at 'yun ay walang iba kundi ang kan'yang beauty.

At ang topic nina Escort Arnel at Escort Mamerto: Anong araw ka pwedeng maging pangit? Sabado o Linggo? Sabi ni Arnel, mas okay nang pangit 'pag Sabado dahil naka-day off ang mga tao. Buwelta naman ni Mamerto, bakit hindi mo talaga gugustuhing maging pangit 'pag Linggo, eh araw ng pagsisimba, gusto mo bang matakot sayo pati mga demonyo?

ADVERTISEMENT

Umupo bilang Board Members ang comedian na biniyayaan ng kagandahan, si Negi. Kasama niya bilang hurados ang "PBB Collab" duo na RaWi nina Ralph de Leon at Will Ashley. Si Will nga ba ang newest Kaldag King? Para malaman natin, eh 'di pagsampolin! Teka, teka, parang magic, si Anne Curtis ay nag-iba ng bihis! Biro nina Meme, si Anne na-expire, anyare?!

Sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9, boses naman ang labanan.

Sinimulan ni Jessica Papilla ang pasiklaban, singing "Kailan Kaya." Nabilangan si Jessica, at ipinaliwanag naman ni hurado Marco Sison kung bakit. Samantala, it's a happy birthday for Sir Marco na walang kupas ang pagiging guwapo. Mala-Korean actor ang datingan ng idol nating 'yan. Sino ang naiisip n'yong kamukha ng Balladeer for All Seasons? Watch the video para malaman kung ang 'yong guess ay katulad ng iniisip ni Anne Curtis.

"Diamonds Are Forever" naman ang ibinirit ni Ressa Ann Balicas, na very good kay hurado Kyla. Eh, 'yung knock-knock ni Kyla for Marco, very good din ba?

Si Ressa Ann ang nakakuha ng mas mataas na score at umabante sa KanTapatan round kung saan hinamon niya si defending champion Leira Anne Raynes. "Sana Ay Ikaw Na Nga" ang piyesa ni Ressa, at "If I Ain't Got You" naman ang kay Leira.

ADVERTISEMENT

Dikit ang naging laban. Pero sa huli, si Leira ang wagi sa score na 91.3%, samantalang 91% naman ang nakuhang grado ni Ressa.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.