Argus, inaliw ang Madlang People sa kanyang ‘tula’ sa KIDSONA | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Argus, inaliw ang Madlang People sa kanyang ‘tula’ sa KIDSONA | It’s Showtime

Argus, inaliw ang Madlang People sa kanyang ‘tula’ sa KIDSONA | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated May 09, 2025 07:36 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa nalalapit na halalan, ang paalala ng ‘Showtime’ family, vote wisely. Maging matalino kung kanino ibibigay ang boto mo. Dito naman sa masayang palaro for kids and adults, “KidSona (Songs of the Nation’s Address),” maging matalino sa panghuhula ng mga kantang bibigkasin nang patula nina Showtime kids Argus, Jaze, Kulot, Briseis, Kelsey at Ayesha.  Ang unang tandem na makaka-two points sa ay aabante sa jackpot round. 

Ang mga nag-collab para manalo: Jackie Gonzaga  at Anthony Castillo, Ryan Bang at Sexy Babe Zeah Pala, Jhong Hilario at AC Soriano, Cianne Dominguez at Anne Tenorio, Darren Espanto at Wize Estabillo. Ka-tandem naman ni Vhong Navarro si Max Collins, na nagbabalik with a knock-knock joke. Teka, nasa’n si Jugs Jugueta? Ayun! Drummer pala ng Six Part Invention! 

Truly back with a bang si Max, na agad-agad nakasagot sa unang kanta pa lang. Humaba naman ang laban nang unti-unting magkaroon ng tig-iisang point ang halos lahat ng duos. Si Ryan, muntik pang sumablay sa pagbigkas ng sagot. Si Kuys Jhong, nalito kung nasa’n ang salitag ‘buko’ sa kantang Buko. At sa sobrang ka-cute-an, talumpati ni Argus ay pinaulit-ulit, hindi pinagsawaan. 

Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sina Max at Vhong pa rin ang nanaig bilang champions. Medyo inalat man sa jackpot round, malaki-laki pa rin ang premyong naipon para sa madlang audience. 

ADVERTISEMENT

Ang taong consistent, sasakses in the end. ‘Yan ang napatunayan in today’s “Step In The Name of Love” kung saan nakilala natin si Sonja, and her bestie Cha, na currently healing from a heartbreak. Pero kahit may sakit na dinadala, she showed up para tulungan ang best friend sa paghahanap ng ka-match. 

Kung talino ang usapan, ibibida ni Cha ang kaibigan. Very close rin ito sa pamilya, at sporty pa. Hindi bossy pero no chill ‘pag pinaglalaban ang paniniwala niya, katulad na lang ng mga opinyon sa politika. Nakakaapekto nga ba sa isang relasyon ang pagkakaroon ng magkaibang political views? Willing to adjust daw sina hakbangers Marc (seaman), Arbee (engineer), at John (engineer) all in the name of love, kaya i-step up ang laban. 

Nabanggit din ni Cha ang pagiging clingy at needy ni Sonja, na quality time ang love laguage. Naku! Ekis kay Marc, na aminadong hindi niya masasabayan ang pagiging clingy ng dalaga dahil sa trabaho bilang seaman. On the other hand, humakbang paatas si John na naku-cute-an sa mga babaeng clingy. Nag-step up din si Arbee, na nagustuhan ang pagiging forgiving ng binibini. 

Sa last round kung saan physical looks ang basehan, si John ang only one na umakyat ng hagdan. Kaya nang si Sonja na ang may karapatang pumili, naisip niyang deserve ni John na mapa-step up dahil consistent ito sa pag-akyat para sa kan’ya. At nagbunga ang pagiging consistent ni John, dahil siya ang napunta sa pinakamaataas na baitang ng hagdan. Siya ang makaka-date ni matchmate!

Mga mang-aawit na may tinig na malupit ang umakyat sa entablado ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9” para sumakses. 

ADVERTISEMENT

Handang makipagpuksaan sa tanghalan si Junix Albaran ng Nueva Ecija, na kinanta ang “Maging Sino Ka Man.” Para kay hurado Nyoy Volante, taglay ni Junix ang mga katangian upang maging successful singer, pero payo niya, maging aware sa tinatamaang nota. Agree si Punong Hurado Louie Ocampo, na napansin ang mga off-notes ni Junix. 

Buong tapang na iparirinig ang tinig sa madla, buong pusong inawit ni Don Rosales ng Cavite ang “Get Here.” Nagustuhan ni hurado Dingdong Avanzado ang timbre ng boses at mga runs ni Don.

Sa round na ito, si Don ang nagwagi, with a score of 90.3%.  Babalik siya bukas upang tapatan ang defending champion na si Rob James Limbawan. 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

ADVERTISEMENT

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.