Xiang, napili si hakbanger Dale upang maging bagong kaibigan | It’s Showtime | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xiang, napili si hakbanger Dale upang maging bagong kaibigan | It’s Showtime

Xiang, napili si hakbanger Dale upang maging bagong kaibigan | It’s Showtime

Liezel Dela Cruz

 | 

Updated May 05, 2025 03:20 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Mainit pa rin ang Mayo! Kaya mag-cool down muna para na rin mawala ang Monday blues. Cuteness ng 'Showtime' kids ang agpapangiti sa'yo sa bagong segment na "Kid Sona (Songs of the Nation Address)." Madali lang 'to! May pitong kanta sa listahan na isa-isang ipe-perform nina Imogen, Kulot, Enicka, Jaze, Argus, Kelsey, at Ayesha, pero hindi pakanta, kundi pa-talumpati.

Narito ang mga players! Maagang kilig ang hatid ng tandem nina Darren Espanto at Jackie Gonzaga. Kasali rin bilang partners sina Vhong Navarro at Amy Perez, Teddy Corpuz at Wize Estabillo, Jugs Jugueta at Cianne Dominguez, Jhong Hilario at Ryan Bang, at Ogie Alcasid at Ion Perez.

First to earn a point ang DaCkie, sa kantang “Uhaw.” Maaga ring nakatama sina Amy at Vhong, na feel na feel ang one point nila, pero hirit ng kalaban, mukhang binulong lang naman ni Darren ang kasagutan. How true, Kuys Vhong at Tiyang?

Song #5 na, pero sina Cianne at Jugs, nananatiling bokya! “Good luck, babe,” sagot ni Darren sa next round. Darren, sagot ba ‘yan o message mo kay Jackie? Hinay-hinay lang sa kilig at baka may mag-delulu sa tabi.

ADVERTISEMENT

Nag-tie sina Darren at Jackie, at Teddy at Wize, with 2 points each, kaya apat na Madlang People ang nag-uwi ng papremyo.

Kung si girly ay bossy, worth it ba ang pag-stay? Usapang green flag at red flag muna tayo sa ‘Step In The Name of Love’ kung saan finlex ni Erika ang good qualities ng bestie n’yang si Xiang, katulad ng pagiging matalino at mapagmahal sa pamilya. Pero naging honest din si Erika to mention na medyo pala-utos ang BFF niya. Napa-step down tuloy si hakbanger Lance (Psychology Student) na aminadong bossy rin. Baka nga naman mag-clas silang dalawa. Samantala, forda step up naman sina Ichi (Nursing Student) at Dale (Computer Engineering student), dahil mas tumatak sa kanila ang magagandang katangian ng dalaga.

Sa next round of flexing, pagbibida ni Erika, si Xiang ay very forgiving. Pero may tendency to overshare, at madalas tumatakas mula sa lola (na tumatayong guardian niya dahil OFW ang parehong magulang) para gumimik. Oh, No! Ekis kay Dale ang tumatakas sa magulang, kaya pababa ang kan’yang hakbang.

Kung looks naman ang basehan, panalo sa boys ang beauty ni Xiang! Walang nag-step down! Pero, sa huli, idineklarang mismatch si Lance, matapos pababain ni Xiang. Pinababa rin ni Xiang si Ichi. Kaya ang sumakses at kan’yang makaka-date ay si Dale, na umeekstra bilang barista at inihalintulad si Xiang sa kapeng ‘din na kailangan ng asukal, dahil sweetness pa lang daw ng dalaga ay sapat na.

Back to zero ang daily round ng Tawag Ng Taghalan Year 9 dahil matapos ma-sweep ni Essam Gubat ang tatlong sunod-sunod na panalo, pasok na siya sa isa sa mga koponan.

ADVERTISEMENT

Ang unang contender sa araw na ‘to ay si Ramiya Aparente, 16, mula sa Laguna. Isang certified kontesera, kaya confident na ready na siya sa TNT stage. Powerful ang boses at presence ni Ramiya, sabi ni hurado Jed Madela, pero nabilangan ito sa pagkanta ng “One Night Only” dahil sa vocal control.

Singing soldier ang pambato ng Davao de Oro, si Gil Carlet, na isang hands-on father din. “The Search Is Over,” birit niya sa entablado. Nagustuhan ni hurado Zsa Zsa Padilla ang maganda nitong tono, pero payo niya, mas palakasin ang stamina para hindi madaling mapagod.

New breed of singers represent, sigaw ni Third Morante ng Quezon City, na inangkin ang Zach Tabudlo hit, “Binibini.” Payo naman ni Punong Hurado Ogie Alcasid, dapat balanse ang effort at control para hindi sumosobra.

Mula sa Round 1, umabante sa KanTapatan ang Top 2 scorers na sina Gil at Third. Classic harana ang hatid ni Gil sa awiting “Ikaw Pa Rin Ang Nais Ko” by Rockstar, at makabagong tunog naman ang ipinarinig ni Third sa bersyon niya ng “Kung Wala Ka” by Hale.

Sa huli, nanaig ang mang-aawit na Gen Z, si Third, with 96% total score, samantalang 93.7% naman ang nakuha ni Gil. Dalawang panalo pa ang kailangan ni Third upang makapasok sa next stage ng kompetisyon.

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.