Jhong, napasaya si Vice Ganda sa kanyang OOTD | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jhong, napasaya si Vice Ganda sa kanyang OOTD | It’s Showtime

Liezel Dela Cruz

 | 

Updated May 03, 2025 07:17 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Ito ang Sabado para sa magaganda at mga gwapo. Lahat tayo ay good-looking basta always smiling! At sa mga girlies, feel na feel mo talaga ang pagiging maganda ‘pag si Ian Manibale ang tumitig sa’yo with matching harana, fresh from his Top 3 finish sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025.’ 

Huli man pero nakahabol din! Si Ian, kumasa a ‘Crazy’ dance challenge na pinauso ni Vice Ganda. Naku! Mukhang kinikilig na naman ang mga miss, lalo na si Rayven Heyres, na may special endearment para sa poging kasamahan niya sa TNT. 

Magandang Batangueña ang naghanap ng ka-match sa ‘Step In The Name of Love.’ Si Cha, ready na sa search for a makisig binata na pasok sa banga! Sa tulong ng kan’yang bes, si Sessa, handa na siyang magpa-impress sa tatlong hakbangers na sina Kenji (athlete at financial management student), Joshua (tourism management student), at Nayomi (IT student). 

Thoughtful ang caring–ganyan kung i-flex ni Sessa ang BFF niya. Magaling din daw ito makisama, pero to the point na nagiging people-pleaser na at hirap mag-‘no’ sa iba. Kaya madaling i-invite sa mga gala, hindi tatanggi kahit walang pera. Mahilig din siya mag-online shopping kaya laging nauubos ang allowance. At ‘pag na-fall kay crush, delulu malala si Cha! ‘Yung tipong from Batangas to Laguna bibiyahe siya para mapanood ang basketball game ng lalaking gusto niya. 

ADVERTISEMENT

Si Kenji lang ang nag-step up. As a financial management student, baka makatulong siya sa financial discipline ni Cha. But, for Nayomi, every centavo counts kaya  medyo na-turn off siya sa pagiging magastos ng dalaga. 

Nang magkuwento si Cessa sa pagigig goal-oriented ng kaibigan, natuwa ang tatlong kalalakihan. Honor student kasi ang dalaga, dahil seryoso sa studies. Sino nga ba ang aayaw sa eabab na matalino, ‘di ba? Kaya dedma na sila sa part na mas tumagal pa ang talking stage kaysa sa official relationships niya in the past. 

Minsan sa physical looks nagkakaalaman. Sina Kenji at Joshua, kung nag-step up kanina, ngayon nama’y bumaba na pagkatapos makita ang picture ng dalaga. Mas bet daw nila ‘yung soft girl at chinita kaysa sa strong aura ni Cha. Pero sa huli, si Kenji ang napili, at happy naman ang binata dahil na-realize niyang mas maganda si Cha sa personal. Samantala, pinababa si Nayomi at idineklarang mismatch si Joshua.

Pero kung match ang pag-uusapan, match sa mga fashion ganaps ang kimono v -inspired OOTD ni Jhong. Pero hirit ni Meme Vice Ganda, naalala niya ‘yung mosaic sa isang simbahan. Basta OOTD ang usapan, talagang matindi ang puksaan! 

This weekend, dalawang mang-aawit ang susubok na i-end ang paghahai ni Essam Gubat sa trono bilang defending champion ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

ADVERTISEMENT

Unang sumabak sa entablado si Chikki Bacaling ng Capiz. “You Don’t Own Me, “ hugot niya sa pagkanta. Si hurado Ogie Alcasid, nakulangan sa ‘suntok’ ng performance ni Chikki, at nag-advice na maghanap ng kantang mas bagay sa kabataan niya. 

Nagpakitang gilas din si Oscar Panaguiton ng South Cotobato na kinanta ang “Superstition.” Nagustuhan ni hurado Erik Santos ang low notes ni Oscar, pero payo niya, gawin pang mas soulful ang pagkanta. 

Si Oscar (90.3% score) ang itinanghal na daily winner. Siya ang humamon kay defending champion, Essam, Sa KanTapatan. 

Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo sa Round 2, naging obvious ang inconsistencies ni Oscar sa pagkanta ng “Sa’yo” by Silent Sanctuary. Samantala, ayon pa rin kay Hurado Louie, in a rush daw si Essam sa pag-perform ng “If I Ain’t Got You” to the point na nawawala na ito sa tono. 

Pero sa dulo, nanaig pa rin ang pagtatanghal ni Essam at may pag-asa pa siyang  makamit ang kampeonato dahil pasok na sa ikalawang koponan. Nakakuha siya ng score na 88.3%, at 86% naman ang kay Oscar. 

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.