Vice Ganda, nagulat sa suot ng isa sa Hakbanger | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, nagulat sa suot ng isa sa Hakbanger | It’s Showtime

Liezel Dela Cruz

 | 

Updated May 27, 2025 04:39 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Bago pa man mag-hello ang buwan ng Hunyo at magsimulang muli ang panahon ng tag-ulan, dito muna sa "It's Showtime" bubuhos ang good vibes at kasiyahan. Maglaro muna kasama sina Showtime Bulilit Kelsey, Enicka, Argus, Ayesha, Imogen at Jaze sa KIDSONA (Songs of the Nation Address).

Napa-throwback agad si Ryan Bang sa 'Sanggol Shark' na paandar with his ka-duo Jugs Jugueta. Kung si Ryan ay may 'Sanggol Shark,' may 'Lintik’ na dance moves naman si Ion Perez at ka-tandem na si Jhong Hilario. Kung sayawan lang din naman labanan, hindi 'yan aatrasan nina Vhong Navarro at Darren Espanto. Hindi nila birthday, pero naghanda rin sina Kim Chiu-Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga-Anthony Castillo at ang tandem nina Teddy Corpuz-Lorraine Galvez.

Sina Vhong at Darren ang naglaro sa jackpot round. But, what hafen? Nagkagulo ang sagot ng mag-partner. Muntik nang maging losers!

Kung kinaaliwan n’yo ang ‘senior’ edition ng “Step In The Name of Love” kahapon, mapapangiti ka ulit sa eksena ng mga hakbangers at matchmate na sumalang ngayong Martes.

ADVERTISEMENT

Nakilala natin si Ric, 57 years old, at halos dalawang dekada nang single. Kung minsa’y masaya naman siya sa pagiging mag-isa, pero may pagkakataong naiinggit sa mga mag-jowa. Relate d’yan si Vice Ganda, na minsang humagulhol daw sa sobrang inggit sa dalawang asong naglalambingan. Meme talaga–puro katatawanan!

Finlex ni bestie Tyger ang kasipagan ni Ric, na isang restaurant owner. Yayamanin! May properties din sa Netherlands. ‘Yun nga lang, sabi ni bestie Tyger (na very much in love naman sa jowa), may pagka-chickboy raw ang kaibigan. Minsa’y pinagsabay pa ang tatlong babae! Maraming naka-fling!

Pero ito ang mas surprising, ang tatlong kakbangers, napa-step up pa rin sa hagdan. At ang dahilan? Keri lang basta may restawran–‘yan ang motto of the day ni hakbanger Michelle, 52, BPO trainer. Kung noo’y pinipigilan siyang makipag-date ni daughter, ngayo’y ito pa ang nagpu-push sa kan’ya. Samantala, mukhang selfless at handang magtiis si hakbanger Emy, biyuda at preschool teacher. At para naman kay Jeda, 56, even stylist at dancer, na ang lakas maka-BINI with her red hair, pwede silang magtulungan ni Ric sa pagpapalago ng negosyo.

Sa second round of flexing, ibinida ni Tyger ang generosity ni Ric. ‘Yun nga lang, dahil siya ang boss sa resto, nadadala niya ang pagiging bossy kahit sa mga kaibigan. Palautos pero bawal utusan! At hindi mo pwedeng biruin, dahil madalas ito’y pikunin.

Well, challenge accepted, sabi ni Jeda! Pinairal din ni Emy ang pagiging understanding. Pero, si Michelle ang only woman na nag-step down; dahil aminadong mahilig mang-asar, baka ang date nila ni Ric ay mauwi lang sa asaran, hindi sa pag-iibigan.

ADVERTISEMENT

Bumaba rin si Michelle nang makita ang picture ni Ric. Ang hanap kasi ay mala-Piolo Pascual. Eh, si Ric, naka-polo lang pero walang ‘pascual’ (joke ‘yan ni Jhong Hilario, huwag kayong ano!) Macho naman ang tipo ni Emy kaya ekis si matchmate. But, for Jeda, go lang sa pag-akyat. Real talk lang daw, sa edad niya, hindi na siya magiging choosy pa. Enjoy-enjoy na lang, ‘di ba?

Mukhang mag-e-enjoy naman talaga si Jeda dahil siya ang napiling ka-date ni Ric!

Umulan naman ng cash prize at good vibes sa ‘Singing Vee’ na pinangunahan ni Vice Ganda. Dugtungan ang labanan sa larong ‘to, at ang Madlang Audience na may tamang sagot ay makakatanggap ng 3, 000 pesos.

“Kisapmata” ang piyesa natin for today. Pero ‘di tulad ng sabi sa kanta, hindi mabilis maglalaho ang good vibes sa studio. Dahil ang kantahan, may kasama pang papremyo! Kanino kaya ipapasa ng ‘Showtime’ hosts ang mikropono?

Samahan ulit ang ‘Showtime’ family sa isang episode na full of happiness, bukas, Miyerkules!

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.