Raven, masaya na nakanta niya ang pangmalakasang medley song sa It’s Showtime stage | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Raven, masaya na nakanta niya ang pangmalakasang medley song sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

Raven, masaya na nakanta niya ang pangmalakasang medley song sa It’s Showtime stage | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated May 01, 2025 06:24 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Good job! This Labor Day, i-celebrate natin ang sipag ng manggagawang Pilipino. Mapapagod pero hindi susuko sa ngalan ng mga pangarap para sa sarili at pamilya. Para maibsan ang pagod mo, isang pangmalakasang entertainment from Raven Heyres ang regalo ng "It's Showtime" especially for you.

Pinerform ni Raven ang isang Regine Velasquez medley, na inihanda niya kung sakaling nakapasok sa Top 3 ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025 'Huling Tapatan.'

Nakipagkuwentuhan din si Raven sa 'Showtime' family at ibinahagi kung anong naramdaman niya matapos mabigong makuha ang kampeonato. Dinibdib nga ba niya ang pagkatalo? Basta, si Kim Chiu, dinibdib ang 'coachella' theme ng OOTD niya.

Ang relationship, kailangan ng effort para mag-work. Ang architect na si Francis, ready na to build a romantic connection sa babaeng kan'yang mapupusuan sa 'Step In The Name of Love.'

ADVERTISEMENT

Kasama ni Francis ang best friend na si Hinson, na ginalingan sa pag-flex ng good qualities ng kan'yang BFF, from being matalino to very firm pagdating sa life and career decisions. Mas comfortable si Francis sa English conversations, at pet peeve niya ang poor grammar. Dahil d'yan, kumasa ang mga hakbangers na sina Maritoni (reservation agent) at Angelica (singer-songwriter) sa dare na ipaliwanag in English kung bakit sila nag-step up. Samantala, nagpakatotoo at nag-step down si Ji (content creator), na sinabing baka hindi sila match ni Francis dahil mukhang galing sa mayamang pamilya ang binata.

Sa next round of flexing, nalaman ng girls ang friendly nature ni Francis. Pero pagdating sa mga babae ay medyo torpe ito... noon. Nilabanan na niya ang pagiging torpe at ngayo'y mas confident na sa panliligaw. As proof, pumasa siya sa on-the-spot pick-up line challenge ni Meme Vice Ganda. This time, pare-parehong nag-step up ang mga dalaga.

Pero, sa round kung saan picture ni Francis ang basehan, bumaba sina Angelica at Ji. Say nila, masyadong ‘baby boy’ looking ang binata, eh mas bet nila ‘yung matured at may pagka-bad boy ba. Tanging si Maritoni ang umakyat pataas, at sa dulo, siya rin ang sumakses sa puso ni Francis.

Ang Pilipinong mang-aawit, kakayod nang husto para sa pinapangarap na kampeonato. Tatlong contenders ang nagsalpukan sa daily round ng Tawag Ng Tanghalan Year 9.

Unang sumalang sa entablado ang pambato ng Pampanga, si Essam Gubat. Mahilig siyang maglakbay, at nais niyang marating ang tagumpay sa pagkanta ng “I’d Rather Go Blind.” Si hurado Nonoy Zuniga, pinuri ang “very clear voice” ni Essam.

ADVERTISEMENT

Sunod na nagpakitang-gilas si Kristine Joseco mula sa North Cotobato. Lumuwas siya ng Maynila para mag-aral, at nangako sa sariling hinding-hindi na mauulit ang mga pagkakataong sumuko siya, kaya ang baon niyang piyesa, “Di Na Muli.” Napansin ni hurado Nyoy Volante na malinis at kalkulado umawit ang 16-year-old contender.

Si Aira Butay ng Ilocos Norte, fierce ang datingan, pero very softie ‘pag lola na ang pinag-uusapan. “I See Red,” birit niya sa tanghalan. Para kay hurado Louie Ocampo, wala na siyang hahanapin pa sa performance ni Aira, kumbaga, kumpleto na.

Sina Aira at Essam ang Top 2 scorers, kaya sila ang nagharap sa KanTapatan, kung saan kinnta ni Aira ang “Yugto,” at “Invisible” naman ang kay Essam.

Sa huli, nanaig ang boses ni Essam, na may 95.3% score. Dalawang panalo pa ang kailangan niya upang mapabilang sa ikalawang koponan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.