Charles, nagkaroon ng SPARK kay Jenina | It’s Showtime | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Charles, nagkaroon ng SPARK kay Jenina | It’s Showtime

Charles, nagkaroon ng SPARK kay Jenina | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 09, 2025 04:24 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa Araw ng Kagitingan, isang ginoo ang matapang na binuksan ang kan’yang puso para mahanap ang tunay na ka-match sa pinakabagong segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Step In The Name of Love.’  

Nakilala natin ang gym buff at health conscious na si Charles, and his best friend Paul, na kung itatadhana ay magiging future brother-in-law niya. Dahil ‘bro’ na talaga ang tingin ni Paul sa kapatid ng gf niya, ife-flex niya ito nang todo para mahanap ang ka-match ng puso.  

Eto na nga ang kuwento. Kung minsan ay indecisive si Charles, kaya nga huminto muna sa pag-aaral dahil nahirapang pumili ng kurso sa kolehiyo. Sa ngayon ay passion for acting ang kan’yang pinu-pursue. Pero magaling itong makisama. Very charming and friendly ‘yan siya!  

After hearing these stories, napa-step up pa rin ang tatlong pretty ‘hakbangers’ na sina Iree, Iya, at Jenina, na ang common denominator ay pare-pareho silang NBSB. Dedma na sa pagiging indecisive ni Charles, anila, bibigyan nila ng chance ang binata. Besides, pwede silang makatulong sa mga future decisions nito. 

ADVERTISEMENT

Sa next round, naikuwento ni Paul ang pagiging hands-on ni Charles sa mga dates, ‘yung tipong siya ang magpaplano ng lahat. Hindi naman sa pagiging controlling at gustong laging nasusunod, mas prefer lang niya ‘yung date na planado. Nagkaroon naman si Charles ng ka-MU at ka-talking stage. Pero one time, hindi umubra ang connection dahil sa magkaibang hilig. Hindi kasi gusto ni girl ang gym hangout na trip ni Charles. Nag-iwan ito ng negative impression kay Charles na baka hindi health conscious si girl.  

Well, walang nakikitang red flag sina Iree, Iya, at Jenina, na hindi nagpaawat sa pag-akyat. Mahilig din naman silang mag-gym, so goods lang ang lahat. At nang makita ang picture ni Charles, napangiti ang mga binibini, sa pag-step up ay hindi nag-atubili.  

Sa final step, si Charles naman ang magsasabi kung aakyat o bababa ang mga ‘hakbangers’ after their first face-to-face interaction. Marami ang nasurpresa nang pina-step down niya sina Iree at Iya dahil parehong maganda ang dalawang dalaga. Pero, kay Charles, walang spark, walang love at first sight na tumusok sa puso niya, though he did really find them pretty.  

Dahil ang ‘love at first sight’ ay na-feel niya kay Jenina. Nang tingnan niya ito sa mata, para bang nakita na rin niya ang future niya!  

Magiting na lumaban ang mga natitirang resbakers sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.’ 

ADVERTISEMENT

Mala-tribute kay hurado Erik Santos ang ganap sa first Resbak Battle kung saan nagharap sina Isaac Zamudio at Shawn Hendrix Agustin ng Pangkat Alab. Inawit ni Isaac ang “Pagbigyang Muli” at nakakuha ng magandang komento mula kay hurado Ogie Alcasid.  

Si Shawn naman ay “This Is The Moment” ang napili, na siyang naging winning piece noon ni Erik. Anuman ang maging resulta, sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, proud sila kay Shawn dahil lumaban ito hanggang dulo kahit siya ang pinakabata sa grupo.  

Sa huli, si Isaac ang panalo sa score na 96.7% versus 95% ni Shawn. Dahil diyan, tuluyan nang magpapaalam si Shawn sa Pangkat Alab.  

Magiting na lumaban ang mga natitirang resbakers sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.’

Parehong power belters ang pinagsabong ng mga hurado sa second Resbak Battle of the day, with Rachel Gabreza and Shirlyn Hida of Pangkat Agimat.  

ADVERTISEMENT

Tila déjà vu ang pag-perform ni Rachel sa awiting “I Am Changing,” na isa sa mga unang piyesa niya sa TNT stage. Pero hindi nagpakabog si Shirlyn, na itinodo ang pagbirit sa Nonoy Zuniga hit na “Never Ever Say Goodbye.”  

Emosyonal sina Rachel at Shirlyn matapos ang kanilang pagtatanghal. Maging ang kanilang mga kagrupo ay ‘di napigilang lumuha, hindi lamang dahil sa performance ng dalawa kundi dahil mabigat sa puso na sila’y muling malalagasan ng miyembro.  

Tuluyang bumuhos ang emosyon ng Pangkat Agimat matapos i-announce na wagi si Rachel sa score na 96.3% at tuluyan namang magpapaalam si Shirlyn (95.3%) sa kumpetisyon.  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

ADVERTISEMENT

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.