Vice Ganda, sumama ang loob kay Ogie sa ABS-CBN ball? | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, sumama ang loob kay Ogie sa ABS-CBN ball? | It’s Showtime

Vice Ganda, sumama ang loob kay Ogie sa ABS-CBN ball? | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 05, 2025 07:54 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Fresh from the ABS-CBN Ball 2025, live na live na sumalang ang ‘Showtime’ hosts sa trabaho para magbigay ng more good vibes. Kumusta nga ba ang naging ganap nila sa party kagabi?

Matapos pag-usapan ang ABS-CBN Ball na ang theme ay spring, maglaro naman tayo ng lip-reading! Unang sumalang ang Team A na binubuo nina Enicka, Ogie Alcasid, Jackie Gonzaga, Darren Espanto, at Wize Estabillo, with buli-lip reader Jaze. 

Super cute ni buli-lip reader Imogen habang nanghuhula. ‘Yung mga sagot niya, naligaw na! At ‘pag si Ryan Bang ang nagsalita, pass agad?! Nasa Team B din sina Argus at Jannah Chua ng Showtime Online U.

Three seconds pa lang, nahulaan na agad ni buli-lip reader Kelsey ang sinabi ni Ayesha. Must be the twinning dresses kaya nagkaintindihan agad silang dalawa! Dahil sure winner na sa 2 points, ‘eme-eme’ na lang ang laro nina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Cianne Dominguez, at AC Soriano ng Showtime Online U.

ADVERTISEMENT

Isang grupo ang muling magpapaalam sa entablado ng ‘Tawag Ng Tanghalan: All Star Grand Resbak 2025.’ 

Isang batch na lang ng mga resbakers ang natitira upang magharap-harap. Ang pangkat na makakakuha ng panalo ay siguradong ligtas na at aabante sa Round 3 na magsisimula sa Lunes. 

Si Jo Pasaron ng Pangkat Agimat ang wagi sa unang ‘versusan’ matapos siyang makakuha ng score na 97%, na mas mataas sa 96% ni Raymundo ng Pangkat Alab at 93.7% ni Chin-Chin ng Pangkat Alon. 

Sabi ni hurado Pops Fernandez, naramdaman niya na ine-enjoy lang ni Jo ang performance at ito marahil ang naging edge niya sa mga kalaban. Mas relaxed na kasi si Jo dahil nakapasa na siya sa licensure examinations for medical technologists kamakailan lang. 

Dahil sa panalo ni Jo, nagkaroon ng 5 points ang Pangkat Agimat, na safe na sa tanggalan. At dahil tabla naman ang Pangkat Alab at Pangkat Alon sa scores na 4, kailangan nilang pumili ng tig-isang representative na lalaban sa PangkaTapatan. 

Si Raven Heyres ang napili ng Pangkat Alab, at si Miah Tiangco naman ang sa Pangkat Alon. Concert feels sa studio nang awitin ni Raven ang “Come On In Out of The Rain,” at ni Miah ang “Lean On Me.

 Sa huli, panalo si Raven at nailigtas niya ang Pangkat Alab. Samantala, tuluyan nang natanggal sa kumpetisyon ang Pangkat Alon. Pero tulad ng naunang round, pumili ang mga hurado ng mga miyembro na mananatili pa sa laban. Dahil dalawa na lang ang natitirang pangkat, dalawa rin ang pinili ng mga hurado mula sa natanggal na grupo, at ito ay sina Arvery Lagoring at Miah. 

Sa ginawang bunutan, napunta si Arvery sa Pangkat Alab, at si Miah naman ay sa Pangkat Agimat.

Aabangan ang pagsisimula ng Round 3 ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak sa Lunes! 

 

 



Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad