Marko Rudio, nagbabalik Showtime matapos ang TNT All-Star Grand Resbak | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marko Rudio, nagbabalik Showtime matapos ang TNT All-Star Grand Resbak | It’s Showtime

Marko Rudio, nagbabalik Showtime matapos ang TNT All-Star Grand Resbak | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 29, 2025 05:39 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Champion ang Tuesday tanghalian 'pag sinimulan ng rakrakan kasama ang pinakabagong kampeon ng tanghalan. Si Marko Rudio na ang bahala sa playlist n'yo! Three days after his big win, unti-unti nang nag-sink in kay Marko ang malaking milestone na kan'yang na-hit sa larangan ng pag-awit. Aniya, na-senti siya nang ipakilala bilang "Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak" Champion sa unang gig niya matapos ang Huling Tapatan.

Speaking of tapatan, pabirong ‘tinapatan’ ni Ogie Alcasid ang management contract na bahagi ng mga napanalunan ni Marko. Dahil ang tanong niya sa bagong kampeon, “May manager ka na ba?” 

Ready to find love ang mestiza kolehiyalang si Yana, kasama ang best friend na si Xhary. Maki-step in the name of love na! Malay mo, isang hakbang na lang pala, nasa harap mo na ang taong palagi mong makakasama. 

Unang finlex ni Xhary ang pagiging maalaga sa sarili ng kan’yang bestie. Pero sa sobrang pag-aalaga, inaabaot ng 18 steps ang skincare routine ni Yana. Noo’y madalas siyang ma-late sa eskwela sa haba ng mga ritwal, pero natuto rin na mag-adjust. ‘Di baleng gumising nang maaga, basta papasok sa school nang maganda! Parang si Karylle ang peg nina Yana at Xhary. Dahil nang masilayan ang kagandahan ng Binibining Kurba, natulala ang mag-bestie at sinabing, “Kamukha n’ya si Mama Mary!” 

ADVERTISEMENT

Samantala, dedma ang ‘hakbangers’ na sina Neil, Ean, at Kevin dahil sa hinaba-haba man ng pag-aayos ni Yana, hihintayin mo ‘pag mahal mo, ‘di ba? Nag-step up ang tatlong binata. 

Sa Round 2, ipinagmalaki ni Xhary ang good listening skills ng BFF niya, pero, may times na nauubusan din ng social battery si Yana. At ‘pag ‘na-lowbat’, kailangan niya ng alone time para mag-recharge. Walang nakitang red flag ang mga ‘hakbangers’ na pare-parehong humakbang pataas. 

Sa physical looks nagkatalo, dahil may kanya-kanya nga naman tayong type. Gusto nina Neil at Ean ‘yung medyo chinita, kaya napa-step down sila. Samantala, consistent si Kevin sa pag-step up. 

At dahil sa pagiging consistent, narating nga ni Kevin ang tuktok ng hagdan. Isa lang ang ibig sabihin n’yan, bet niya talaga si Yana. At mukhang ‘the feeling is mutual’ ang drama, dahil pinusuan din siya ng dalaga. 

Sa ikalawang araw ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9,” dalawang mang-aawit ang sumubok na pababain sa trono ang defending champion na si Raquelle Macababat. Pero, teka, nasa’n ba ang tunay na reyna, si Vice Ganda? Meme, ibinuking ka na ng best friend mong si Jhong Hilario!

ADVERTISEMENT

Samantala, present ang tatlong huradong kumilatis sa mga daily contenders. Nand’yan sina Bituin Escalante, Mark Bautista, at Punong Hurado Ogie Alcasid. 

Unang nagpakitang gilas ang 20-year-old pambato ng Davao del Norte, si Felix Brao, na inawit ang OPM classic “Nais Ko.” Nakakabilib kung paano niya pagsabayin ang mga responsibilidad bilang estudyante at breadwinner. Bumilib din si hurado Mark, na sinabing good song choice ang “Nais Ko.” Pero bago siya bumababa ng tanghalan, nahiritan si vocal coach Felix na bigyan ng basic breathing lessons si MC. Nagawa kaya ni MC ang itinuro ni Felix?

At 16, malawak na ang karanasan ni Claudia Eliver sa pag-awit, at ang mga karanasang ito, sa tanghalan naman niya bitbit. “Never Ever Say Goodbye,” ang inawit ng Negros Occidental bet, na pinuri ni hurado Bituin for her “wonderful storytelling.” 

Si Claudia ang panalo sa round na ‘to. Umabante siya sa KanTapatan kung saan sinubukan niyang talunin ang defending champion na si Raquelle sa pamamagitan ng pagkanta ng “My Heart Will Go On.”

Pero determinado si Raquelle na ilaban ang kan’yang pwesto, bitbit ang “Salamat” ni Yeng Constantino bilang piyesa sa entablado. 

ADVERTISEMENT

Sa huli, tinig ni Raquelle ang nanaig matapos makakuha ng 95% score, na mas mataas sa 93.7% ni Claudia.

May dalawang panalo na si Raquelle. Isa na lang ang kailangan para maging bahagi siya ng isa sa tatlong koponan na bubuuhin para sa TNT Year 9

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.