Buhay ni Sofronio Vasquez, tampok sa unang episode ng “MMK” | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buhay ni Sofronio Vasquez, tampok sa unang episode ng “MMK”

ABS-CBN Studios
Published Apr 26, 2025 01:14 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tampok ang buhay at mga pinagdaanan ni "The Voice USA" season 26 champion Sofronio Vasquez sa pagbabalik at unang episode ng “MMK” ngayong April 26 (Huwebes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z.

Gaganap bilang Sofronio ang multi-awarded actor na si Elijah Canlas, habang muling mapapanood si Romnick Sarmenta bilang ama ni Sofronio, na siyang bumida rin sa pinaka-unang episode ng “MMK” na pinamagatang “Rubber Shoes” noong 1991.

Isasabuhay ni Elijah ang kwento ng pagpupursige ni Sofronio na tahakin ang landas ng musika sa kabila ng kagustuhan ng kanyang ama na siya ay maging dentista.

Sa kabila ng sunod-sunod na kabiguan at ang biglaang pagpanaw ng kanyang ama, muntik nang sumuko si Sofronio sa kanyang pangarap. Makalipas ang ilang taon, hindi pinalagpas ni Sofronio ang oportunidad na makasali sa “The Voice USA” Season 26, kung saan nakatanggap siya ng standing ovation at four-chair turn mula kina Michael Bublé, Gwen Stefani, Queen Reba McEntire, at Snoop Dogg.

Samantala, makakasama naman ni Elijah at Romnick sa unang episode ng pagbabalik ng “MMK,” sa direksyon ni Theodore Boborol at panulat ni Chie Floresca, sina Janice de Belen, Yves Flores, Lui Manansala, Dustine Mayores, at Sean Tristan.

Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” o buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.

Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

Read More:
Maalaala Mo Kaya
MMK
MMK 2025
Charo Santos
Sofronio Vasquez
MMK Sofronio Vasquez
Elijah Canlas
Janice de Belen
Romnick Sarmenta
Yves Flores
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT