Ogie, nagbigay ng opinyon sa pagiging isang magulang | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie, nagbigay ng opinyon sa pagiging isang magulang | It’s Showtime

Ogie, nagbigay ng opinyon sa pagiging isang magulang | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 24, 2025 05:57 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

What’s up, Madlang People!? Nakulayan na ba ang mga drawing? Kung hindi pa, kukulayan na lang ng ‘Showtime’ family ang Huwebes n’yo.

Dahil kaunting kembot na lang, weekend na, mag-stretching na muna para sa nakaplanong weekend party. Good vibes will last kasama si Elijah Canlas, na all-out ang song and dance number on the It’s Showtime stage. Isang nakaka-good vibes na pagbati naman para sa kaarawan ni ABS-CBN President Carlo L. Katigbak!

Kahapon, Miyerkules, nagsimula na ang Grand Finals ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025. At sa araw na ito, bagong batch ng grand finalists ang sasabak para sa pagkakataong umabante sa Huling Tapatan sa Sabado.

Pasiklaban sa tanghalan ay sinimulan ni Tenten Pesigan, with her breathtaking performance of “Note to God.” Ano nga ba ang hiling ni Tenten sa langit? Si Vice Ganda, may hiling din kay Punong Hurado Louie Ocampo–baka raw pwede siyang gawan ng isang kanta. Well, challenge accepted sabi ni hurado Louie.

ADVERTISEMENT

Sumunod naman sa entablado si Isaac Zamudio, na inawit ang “I’ll Never Love Again.” Anuman ang piyesa, si Isaac, always give na give. Para kay hurado Pops Fernandez, nagustuhan niya kung paano inangkin ni Isaac ang kanta. Speaking of give na give, naibigay na ni Meme Vice ang ipinangakong bagong sapatos kay Grand Finalist Charizze Arnigo – but of course, meron yang nakakatawang kuwento!

Handa nang tumakbo papuntang kampeonato si Ayegee Fernandez, na very intense ang pagbirit ng “Run” by Leona Lewis. Extra inspired si Ayegee dahil sa support ng kan’yang sister, na minsan na rin niyang nakalaban sa mga singing contests. Sample naman, Ate! Dahil sa kuwento ni Ayegee tungkol sa annak niya, napunta sa ‘parenting’ ang usapan ng Showtime family. Tungkol naman sa performance ni Ayegee, may tip si hurado Regine Velasquez tungkol sa enunciation.

Talento ay ibinuhos ni Shawn Hendrix Agustin. Maliit man sa inyong paningin, pero kampeonato ay ‘keri’ niyang angkinin sa madamdaming pag-awit ng OPM classic na “Saan Darating Ang Umaga.” Bumilib si hurado Lani Misalucha sa husay ng batang mang-aawit, at binigyan ito ng payo tungkol sa paparating na puberty stage kung saan expected ang magiging pagbabago sa boses ni Shawn.

Gagawin ang lahat upang manguna sa pasiklaban sa entablado. Isang nakaka-in love na harana ang panlaban ni Eich Abado, na kinanta ang “I’d Rather.” Naging honest naman si hurdo Jed Madela tungkol sa performance ni Eich. Aniya, na-rattle si Eich sa dulo, pero solid naman ang simula.

Ang huling umawit ay isang magandang binibini na palaban sa kantahan. “What About Love,” tanong ni Rachel Gabreza sa tanghalan. Sabi nga ni Punong Hurado Louie, “Save the best for last.”

ADVERTISEMENT

Ang Top 2 contenders ang aabante sa Huling Tapatan, at ito ay sina Rachel (97.8% score) at Ayegee (97% score).

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.