Jezza, bumuhos ang luha matapos ang performance niya | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jezza, bumuhos ang luha matapos ang performance niya | It’s Showtime

Jezza, bumuhos ang luha matapos ang performance niya | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 22, 2025 04:21 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

OA! As in OA sa good vibes ang Tuesday kasama ang ‘Showtime’ family. Nagbabalik fresh from Dubai ang prinsesa ng pamilya, si Kim Chiu, na doble ang sine-celebrate. Bukod sa success ng movie niya with Paulo Avelino, ipinagdiriwang din ni Kim ang birthday niya. Teka, may nang-iintriga. Paano nga ba nag-celebrate si Kim ng birthday noong April 19?  

OA rin sa energy ang Madlang People, na game makipagsayawan with Vice Ganda and the Showtime pamilya. Ganyan nga! Idaan sa sayaw ang init ng panahon. Mainit din ang bakbakan sa ‘The Final Comeback’ ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025. Pero matamis naman ang mga eksena sa ‘Step In The Name of Love.’ 

Sa buhay, step by step ang tagumpay. Ganyan din sa pag-ibig. Tatlong ‘hakbangers’ at isang matchmate ang sumugal para mahanap ang spark sa ‘Step In The Name of Love.’  

Ibinida ni Carl ang good qualities ng best friend na si Mark, na very giving daw ‘pag may minamahal. Sanay kasi si Mark na magsakripisyo at magbigay sa iba dahil siya ang breadwinner ng pamilya. Family-oriented at dependable ‘yan siya. Magaan pang kasama. Gusto ni Mark ‘yung positive lang ang pinag-uusapan. Nabanggit din ni Carl na old soul ang best friend niya. Mahilig sa mga lumang kanta. Pati nga sa looks, very ‘tito’ ang pormahan.  

ADVERTISEMENT

Pero hindi itinago ni Carl ang mga bagay tungkol kay Mark na pwedeng red flag ang dating sa iba. Aniya, madalas mag-soul searching ang kaibigan. ‘Pag may problema o issue, mas pinipili niyang mapag-isa muna, na kung minsan nga ay hindi siya ma-contact ng mga kaibigan niya. Naloka naman ang lahat nang i-reveal ni Carl na nag-uulit daw si Mark ng damit na galing sa labahin. How true, Mark? At red flag ba talaga itong maituturing?  

Ang beautiful binibinis na sina Lalaine, Siena, at Angela, hindi naman na-turn off. Nag-step up pa nga. Pero sa huli, isa lang ang tunay na nagpakilig kay Mark, walang iba kundi si Angela. 

Sa ikalawang araw ng The Final Comeback sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025,’ oras na para sumabak ang natitirang resbakers na pinili ng taumbayan at mga hurado.  

Unang nagtanghal si Ayegee Paredes na nakatanggap ng standing ovation mula sa lahat ng hurados na sina Ogie Alasid, Jed Madela, Pops Fernandez, at Lani Misalucha. Komento nga ni hurado Lani, super amazing ang “I (Who Have Nothing)” performance ni Ayegee, na isa sa apat na Hurados’ Choice.  

Isang kilig harana naman ang hatid ni Miah Tiangco, na inawit ang OPM hit na “Tadahana.” Sabi ni hurado Jed, always unique at may ‘Miah touch’ ang performances ni Miah, na nakapasok sa Final Comeback through Madlang People’s votes.  

ADVERTISEMENT

“She Used To Be Mine” ang piyesa ni Makki Lucino sa entablado. Sabi ni hurado Pops, hindi lang power, kundi emotions din ang ipinaramdam ni Makki. Matapang naman na hinarap ni Jezza Quiogue ang takot at inawit ang “Ako’y Sa’yo At Ika’y Akin Lamang.” Pinuri ni Punong Hurado Ogie ang fighting spirit ni Jezza.  

Dalawa lamang ang aabante sa Huling Tapatan na magsisimula bukas, Miyerkules. At ito ay sina Ayegee (98.4%) at Jezza (97%), ang highest scorers sa araw na ‘to. Top 3 naman si Miah, at nasa huling puwesto si Makki.  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.