Femme MNL, kauna-unahang nakakuha ng golden buzzer sa “Pilipinas Got Talent” Season 7 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Femme MNL, kauna-unahang nakakuha ng golden buzzer sa “Pilipinas Got Talent” Season 7

ABS-CBN Studios

Clipboard

Hinirang bilang kauna-unahang golden buzzer ang 31-member dance group na Femme MNL matapos nila mapabilib ang hosts na sina Melai Cantiveros at Robi Domingo kaya naman napili nilang gamitin ang kanilang golden buzzer sa grupo sa ikalawang episode ng “Pilipinas Got Talent” Season 7 noong Linggo (Marso 30).

Ayon kay Melai, napagdesisyunan agad nila na ipagkaloob ang Golden Buzzer sa unang limang segundo pa lang ng performance ng grupo matapos makita ang synchronized movements grupo at pulido nilang dance performance.

Hindi lang mga host ang napabilib ng grupo pati na ang mga hurado na sina Freddie "FMG" M. Garcia, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo sa grupo. World-class umano ang performance nila ayon kay FMG, habang pinuri nina Donny at Kathryn ang kanilang passion sa pagsasayaw. Samantala, nagbigay pugay si Eugene sa grupo dahil sa pagtataas ng bandera ng LGBT.

Ang “Golden Buzzer" ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. Isang Golden Buzzer lang ang pwedeng gamitin ng bawat judge at hosts sa buong auditions. Ngayong binigay na nina Robi at Melai ang kanilang Goden Buzzer sa Femme MNL, apat na passes na lang mula sa judges ang pwedeng makuha ng auditionees na magbibigay daan sa kanila patungong live shows.

ADVERTISEMENT

Dahil sa mga nakakatuwang at nakaka-inspire na kwento, mainit na tinanggap ng mga manonood ang pilot episodes ng “Pilipinas Got Talent,” na nakakuha ng 275,424 peak concurrent viewers noong Sabado at 246,593 viewers noong Linggo.

Abangan ang iba pang nakakamanghang performances sa “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.