MMK, muling magbabalik hatid ang mga bagong kwento sa iWantTFC | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMK, muling magbabalik hatid ang mga bagong kwento sa iWantTFC

MMK, muling magbabalik hatid ang mga bagong kwento sa iWantTFC

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 17, 2025 10:52 AM PHT

Clipboard

Magbabalik ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), ang linggo-linggong programang nagbigay inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa loob ng mahigit tatlong dekada, sa bago nitong tahanan sa iWantTFC simula April 24 (Huwebes).

Hatid ng pagbabalik ng “MMK” at ng orihinal nitong host na si Charo Santos-Concio ang mga bagong kwentong sasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa bago nitong kabanata na mapapanood din sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula April 26 (Sabado).

Ibibida ng “MMK” ang bago nitong estilo ng pagkukwento sa 13 limited episodes na magbibigay pagkakataon sa Gen Z at Millenials na maging bahagi ng bawat kwento at usapan sa social media.

Eksklusibong mapapanood sa iWantTFC ang “unfiltered” o buong bersyon ng bawat episodes tampok ang director’s cut at mga eksenang mas malalim na tatalakay sa mga kwentong bibida bawat linggo.

ADVERTISEMENT

Tampok sa unang episode ng pagbabalik ng MMK ay ang kwento ni “The Voice USA Season 26” champion Sofronio Vasquez III na susundan naman ng kwento ng isa sa mga miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI.

Abangan ang mga bagong magaganda at nakaka-inspire na kwento hatid ng “MMK” na mapapanood sa iWantTFC, 48 hours in advance, simula April 24 (Huwebes). Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. 

Mapapanood din ang “MMK” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z simula April 26 (Sabado), 8:30 pm hanngang 9:30 pm.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.