Ice Almeria, itinanghal bilang first-ever grand champion ng “Time To Dance” | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ice Almeria, itinanghal bilang first-ever grand champion ng “Time To Dance”
ABS-CBN Studios
Published Apr 14, 2025 01:15 AM PHT

Nagwagi si Ice Almeria bilang kauna-unahang grand champion ng reality dance competition ng ABS-CBN at Nathan Studios na "Time To Dance" sa finale ng show noong Sabado (Abril 12).

Dinaig ni Ice, ang 18-year old na dancer mula sa Manila, ang kanyang kapwa dance contenders na sina Kenneth Martinez, Emman Napari, Cherry Tolentino, Paulo Capuz, at Julian Villegas matapos makakuha ng pinakamataas na kabuuang average score na 92.21% mula sa pinagsamang scores ng kanyang duo at solo performances.

Sa huling solo performance, labis niyang napahanga ang mga miyembro ng Dance Council sa kanyang makapangyarihang dance routine na nagpakita ng kanyang kuwento ng pakikipaglaban sa panghuhusga mula sa ibang tao pagdating sa kanyang talento.

Bilang grand champion, naiuwi ni Ice ang P300,000 grand prize. Ang Rank 2 na si Kenneth ay nanalo ng P100,000, habang ang Rank 3 na si Emman ay tumanggap ng P50,000.

Ang Dance Council para sa grand finale ay binuo ng Streetboys member at “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro, Director ng World of Dance Philippines Vimi Rivera, World of Dance PH finalist Ken San Jose, Artistic Director ng Padyak PH Von Asilo, UPeepz Founder Chips Beltran, A-Team Coach MJ Arda, at Artistic Director ng Philippine Allstars Lema Diaz.

Nagpasalamat ang New Gen Dance Champion na si Gela Atayde sa dance contenders sa pagbibigay inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga talento at kwento. Nakasama ni Gela si Robi Domingo bilang host ng show.

Mapapanood muli ang buong episodes ng “Time To Dance” sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Read More:
Ice Almeria
Time To Dance
Time To Dance champion
Gela Atayde
New Gen Dance Champion
Dance Council
Cherry Tolentino
Paulo Capuz
Julian Villegas
Vhong Navarro
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT