Harapan nina Sharon at Janice sa “Saving Grace,” patok sa viewers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Harapan nina Sharon at Janice sa “Saving Grace,” patok sa viewers

ABS-CBN Studios
Published Apr 12, 2025 12:03 AM PHT

Kinapitan ng viewers ang tahasang linyahan nina Sharon Cuneta at Janice De Belen sa kanilang makapigil-hiningang komprontasyon sa Kapamilya teleseryeng “Saving Grace: The Untold Story.”

Pinuri ng mga manonood ang harap-harapang pagbitiw ng mga masasakit na salita ang dalawang beteranong aktres matapos mag-krus ang kanilang landas sa unang pagkakataon bilang sina Miranda (Sharon) at Helena (Janice) - dalawang palaban na babae na nagmahal ng iisang lalaki.

Sa isang interview, ibinahagi nina Janice at Sharon kung gaano nila na-enjoy ang makatrabaho ang isa't isa sa isang serye sa unang pagkakataon. "It was fun working with her. Alam ko na maraming tao ang naka-abang na makita kaming magkasama so it was really good working with her," sabi ni Janice.

"Saludo ako lagi kay Janice. In real life kapag ka-eksena mo siya, 'yung mata talaga niya nangungusap," ayon kay Sharon.

Kamakailan ay ipinakita sa serye kung paano inahas ni Helena ang best friend niyang si Antonio mula kay Miranda, ang totoong jowa ni Antonio noon. Hanggang ngayon, ipinapalabas pa rin ni Helena na si Miranda ang naging kabit para pagtakpan ang kanyang kasalanan.

Pero hindi lang sina Sharon at Janice ang nag-bangayan sa serye dahil kinaaliwan din ng viewers ang matinding sagutan nina Julia Montes at Jennica Garcia. Tuluyan na kasing nag-eskandalo si Sarah (Jennica) at sinabunutan pa si Anna (Julia) dala ng kanyang galit dahil kumbinsido siyang si Anna ang kumidnap sa anak niyang si Grace (Zia Grace).

Gabi-gabing ngang inaabangan ng mga manonood ang ilang mga bagong eksena sa “Saving Grace: The Untold Story” na hindi pa ipinalabas noong una itong umere sa streaming platform na Prime Video.

Tutukan ang “Saving Grace: The Untold Story,” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa pinakabagong updates tungkol sa programa, bisitahin ang savinggrace.abs-cbn.com.

Read More:
Julia Montes
Jennica Garcia
Sharon Cuneta
Janice De Belen
Saving Grace The Untold Story
Saving Grace
Anna Sarmiento
Sarah Banaag
Grace Banaag
Helena Sarmiento
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT