Vice Ganda, pabirong ipinakita kung paano ma-holdup ang mga CONYO | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, pabirong ipinakita kung paano ma-holdup ang mga CONYO | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 10, 2025 07:38 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

This Huwebes, maghahanap ng ka-match ang isang binibini with her bes. Sa dating match segment na ‘Step In The Name of Love,’ nakilala natin si Eilyn, ang Political Science student na strict ang parents, pero pagdating sa love, ready na to take risks.

Simulan na ang pag-flex kay bestie! Ibinida ni Thea ang pagiging fashionable ni Eilyn, na hindi pwedeng lumabas ng bahay nang walang makeup kaya umaabot ng halos dalawang oras ang prep time. Hindi naman sa itinatago ang flaws, mas feel lang daw ni Eilyn ang pagiging confident ‘pag ‘very latina’ ang awra niya, coming from being bullied when she was younger. Matatawag man siyang vain pagdating sa pustura, pero sa gawaing-bahay ay wala siyang arte.

Ang tatlong ‘hakbangers’ na sina Kyle, Nico, at Kyne, na-appreciate ang mga narinig na kuwento tungkol kay Eilyn. Hindi na-turn off sa pagiging vain ng dalaga, sa halip ay nagustuhan nila ang pagiging maalaga nito sa sarili. At, kung nagmamahal ka, dapat mahaba ang pasensya. Kaya kahit umabot pa ng dalawang oras ang paghihintay kay Eilyn, walang problema.

Sa next round ng kuwentuhan, na-open up ang pagkakroon ni Eilyn ng strict parents to the point na kailangan niyang tumakas sa gimikan dahil sa curfew, at minsan pati mga damit niya ay kailangan pang ipadala sa address ni Thea dahil disapprove kay mommy ang revealing clothes ni Eilyn.

ADVERTISEMENT

Relate si Kyne, na may advice pa kay Eilyn on dealing with strict parents. Naintindihan din ni Kyle ang sitwasyon ng dalaga. Kaya nag-step up silang dalawa. Pero si Nico ay nag-step down just because masyadong magkalayo ang mga lugar nila.

Nag-step down din si Nico sa next round mataps makita ang picture ng binibini, dahil mas prefer niya ang petite girls. Samanala, dahil sa fashion sense ni Eilyn, naa-step up sina Kyne at Kyle.

Sa final round kung saan makakaharap ni Eilyn ang mga hakbangers for the first time, may ‘k’ siya na magpa-step up or step down. Pina-step down niya si Nico dahil mukha raw itong mas matanda kaysa sa kanya. Step down din si Kyne, na very soft boy ang awra. Bet kasi ni Eilyn ‘yung bad boy ang dating, na kay Kyle niya nakita.

Walang gustong sumuko sa matinding bosesan sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak’ kahit pa ang dating kakampi, ngayon ay kalaban na sa kantahan.

Sa first Resbak Battle, pinagsabong ng mga hurado sina Jezza Quiogue at Aihna Imperial ng Pangkat Agimat dahil perfect match ang singing style nila.

ADVERTISEMENT

Itinodo ni Aihna ang pagbirit sa OPM classic na “Bayan Ko.” Isang beloved OPM hit din ang napiling piyesa ni Jezza, ang “Pagdating Ng Panahon” ni Ice Seguerra, pero mas pinatamis at mas pinasakit. Sa isang ‘di inaasahang pangyayari, nabilangan ni Punong Hurado Louie Ocampo si Jezza. Ramdam ang panghihinayang ni hurado Louie, pero pinuri pa rin niya ang powerful finale nito. May aberya man, bumawi lumaban si Jezza hanggang dulo.

Pero tuluyan nang nagpaalam si Jezza sa Pangkat Agimat matapos makakuha ng score na 95.3%, na mas mababa sa 96.3% ni Aihna.

Sa second Resbak Battle naman, napagdesisyunan ng mga hurado na paglabanin sina Judy Lou Benitez at Shamae Mariano ng Pangkat Alab. Tapatan ng dalawang power belters ay naglalagablab. Nanlalamon ang pagkanta ni Judy Lou ng “Father,” pero parang apoy na ‘di matupok-tupok ang husay ni Shamae sa awiting “Narito Ako.”

Sabi ni Sir Louie, parehong close to perfect ang performances nina Shamae at Judy Lou, kaya silang mga hurado, sumakit ang ulo. Pero sa dulo, nanaig ang vocal prowess ni Shamae na may score na 97.7%, mas mataas sa 96.7% score ni Judy Lou.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.