MC, nahulog sa kinauupuang sofa | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MC, nahulog sa kinauupuang sofa | It’s Showtime

MC, nahulog sa kinauupuang sofa | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 01, 2025 04:24 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang unang araw ng buwan, gawing April ‘full’ (not fool) of love and happiness. Paalala ni Tyang Amy Perez, mag-ingat sa mga pranks.  

Hindi prank ang kulitan sa  ‘Ansabe’ with our cutie ‘Showtime’ chikitings na always game sa laro ng lip-reading. Ang little chinito ng grupo, naka-three points sa araw na ‘to! Good job, Argus, napasaya mo ang teammates mong sina Ogie Alcasid, Ion Perez, Jugs Jugueta, MC, at Kelsey. 

Ang team ni Vhong Navarro, ‘di pa man nagsisimula ang laro, eh gusto nang sumuko. At parang manghuhula, na-predict agad ni Vhong ang pagkatalo dahil nand’yan si Lassy sa kanilang grupo. Pero not bad naman ang performance ni Jaze, na naka-isang tamang sagot. ‘Yun nga lang, lulusot sina Vhong, Ryan Bang, Lassy, Cianne Dominguez, at Kulot.  

Nice try, Stephen! Ang pambato ng Team C, naka-2 points sa lip-reading. Pero sa FUNishment ay hindi pa rin makakatakas sina Karyllle, Teddy Corpuz, Darren Espanto, Ayesha, at Sheena Belarmino.  

ADVERTISEMENT

Para kakaiba ang FUNishment, si Ryan, nag-ala uod habang lumulusot. Naku, Ryan, baka mawili ag universe at maulit na naman ang ‘yong pagkatalo.  

Sa pagpapatuloy ng kwentong ‘Huwag Kang PaBeBe: The Big Co-Love’ sa ‘Sine Mo To,’ sumabak ang mga housemates sa kanilang second task. Kailangang ibida ng mga babae ang mga partners nila sa pamamagitan ng debate.  

Pero bago pa man magsimula ang task, mas naunang na-challenge ‘yung sofa na bumigay sa pag-upo nina Lassy, MC, at Ryan Bang. Meron pang nag-wrestling sa foam na puno ng harina.  

Sa pagsisimula ng bagong hamon, matapang na finlex ni Melvinia (MC) ang asawang si Herminio (Ogie) na pinakagwapo sa paningin niya dahil mahusay na kumanta, galante pa. Si Jackque Gyl (Jackie Gonzaga), umasang makakatanggap ng kiss mula sa boyfriend na si Lyndon (Darren), pero kahit walang halik, si Lyndon pa rin ang the best in her eyes.

Kung kiss lang ang basehan ng pagmamahalan, game na game sina Reginalda (Lassy) at Hyun-sung (Ryan). Ang asawa naman ni Teodor (Teddy) na si Erika (Jugs), napagkamalang kung anu-ano–sa unang tingin ay mukhang maleta, tapos naging pambalot ng mansanas, at may anggulo rin na Dora The Explorer. Versatile yarn?

Si Jose Mari (Vice Ganda), hindi na kailangang mag-talk dahil hiyawan pa lang ng Madlang People ay sapat na para patunayan na ang partner na si Benigno (Ion Perez) ang the best na ginoo.  

Sundan ang sunod na mangyayari sa kuwentong ito!  

Sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak,’ hindi lamang talento sa pakanta ang nililinang. Dito, ang mga mang-aawit ay natututo kung paano harapin ang panalo at pagkatalo.  

Nakakatupok ang powerful voice ni Pangkat Alab representative Mariel Rose Reyes sa pagbirit ng “Power of Love.” Blown away si hurado Pops Fernandez sa nag-aalab na performance ni Mariel Rose.  

Dahil diyan, na-inspire ang ‘Showtime’ family na mag-sample ng pangmalakasang piyesa nila sa videoke. Sa kalagitnaan naman ng interview, si Cianne Dominguez, pinalabas ng studio. Alamin ang kwento!  

“No Matter What” ni Calum Scott ang inawit ni Enzo Almario ng Pangkat Alon. Dahil galing sa puso ang pagkanta, bawat letra ni Enzo ay tumatagos sa kaluluwa. Naluha si Enzo dahil daw sa kaba, as in kabaklaan. Eme lang! Emosyoal si Enzo dahil naalala ang mga magulang na mahal na mahal siya “no matter what.”  

Fierce naman ang atake ni Nowi Alpuerto ng Pangkat Agimat sa bersyon niya ng “It’s A Man’s Man’s Man’s World.” Para ma-emphasize ang galing niya, dalawang beses siyang pinuri ni hurado Lani Misalucha.  

Matapos ang salpukan sa entablado, si Nowi ang hinirang na manalo matapos makakuha ng pinakamataas na grado mula sa mga hurado. Binigyan ni Nowi ng pag-asa ang pangkat na dati ay kalaban niya!  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.