Vhong, may napansing ITIM sa pisngi ni Karylle | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vhong, may napansing ITIM sa pisngi ni Karylle | It’s Showtime

Vhong, may napansing ITIM sa pisngi ni Karylle | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 06, 2025 07:32 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Umiinit na ang summer feels, pero ang JMielle, mukhang ‘di na aahon sa kilig ng ‘Feb-ibig.’ Malulunod ka sa sweetness nina JM dela Cerna at Marielle Montellano na may pa-medley ng mga love songs na paborito mo.

Paborito mo rin ang lip-reading game na ‘ANSABE’ at ang ‘Showtime’ kids, tama ba? Kaya heto na ang mga bulilit na huhula at ang mga ate’t kuya nila na bibigkas ng mga salita. Kahit nakakunot na ang noo ni Ayesha, sobrang cute pa rin niya! Good job pa rin ang baby, naka-two correct answers ka today. Bata ‘yan ng Team Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Ryan Bang, MC, at Kulot. Sabi nga ni Jhong, “Matibay na ‘yung two points!” Proud si Ryan dahil kahit siya’y bubulol-bulol, aba, pagbigkas niya’y nakabudol.

Minsan, sa himala ka na lang kakapit. Parang si Ogie Alcasid na napadasal na lang nang mahigpit, dahil si Kelsey, nag-struggle sa hulaan. Naka-isang tamang sagot ang kanilang grupo, kasama sina Jaze, Ion Perez, Cianne Dominguez, at Darren Espanto.

To the highest level ang suspense nang sumabak na sina Vhong Navarro, Karylle, Jugs Jugueta, Lassy, at Stephen, with their buli-lip reader, Argus. Ka-tie kasi nila ang Team Jhong na mayro’n ding dalawang puntos. Pero sa oras nagkatalo, at Team Jhong pa rin ang nanalo. Bakit daw kasi kay Lassy binigay ‘yung salitang ‘pretty’?

ADVERTISEMENT

Nakaka-pretty ang may alam! Kaya palawakin ang talino at makisagot na sa Quiz V, kung saan ang bawat tamang sagot ay may katumbas na papremyo. Natuwa si Vice Ganda dahil pabata nang pabata ang may participation sa fun and informative na recitation.

At sino ang salarin na nag-iwan ng itim na marka sa mukha ni Karylle? Hmm. Wala bang aamin?

Sa ‘Sine Mo ‘To,’ ang magic soap ni Lolo Gengeng (Ogie), ipinasa n kay V (Vice Ganda). Pero paano lilitaw ang kapangyarihan ng sabon kung hindi ito gagamitin nang tama? Dahil sa pang-aasar ng mg kasama, napilitan si Vice Ganda na basain muna ang sabon bago ipahid sa kan’yang mukha, hanggang sa tuluyan siyang nag-transform bilang ‘Soafer Latina.’ Pero ang ‘soaferhero’ natin, hinihingal at ‘di makalipad?! Para-paraan na lang si Meme, na kahit wala sa script ay ipinasa ang magic soap kay Jackie Gonzaga, na kailangan munang lumangoy sa tuyong entablado para patunayang siya ang karapat-dapat maging superhero.

Pero ang magic sabon ay mukhang ‘di sang-ayon, kaya ipinasa ni Jackie kay Darren ang costume. Langoy ba kamo? Basic kay Darren, na ‘nag-dive’ pa nga sa isang planggana ng tubig! Ang galing! Syempre, kung kaya ng ‘batang genggeng,’ kaya rin ‘yan ni Ogie, na gagawin daw ang lahat sa ngalan ng talent fee.

Nakahalata naman si Amy Perez. Nang kan’yang mapansin na naghahanap na ng susunod na palalanguyin, biglang napa-‘sick leave’ ang tiyang natin! Si Jhong aka Jhong TV ang sunod na pinasahan ng kapangyarihan. Para matapos na ang kwento, dinamay na ni Jhong ang lahat sa basaan! Walang nakaligtas! Si Meme, tumakas! Out daw muna siya, kasi naman ‘yung wig niya nabasa!

ADVERTISEMENT

Walang time out ang good vibes hanggang sa ‘Hide and Sing.’ Ang magandang binibini na si Ysabel Ortega ang taya sa guess-sing. Mahulaan kaya niya ang celebrity singer na nagtatago ng mukha?

To the highest level ang party-party! Rakrakan mode on ang lahat, thanks to our mystery singers na kinanta ang “Laklak.” Pumunta tayo sa isa pang exciting part, ang tanungan portion. Hirit ni Vice Ganda, pwedeng-pwedeng magtanong si Ysabel, tutal minsan din namang ‘nagtanong’ si Ryan sa kan’ya. Ipinaalala rin ni Meme ‘yung panahong si Ysabel ang espesyal ni bisita ni Ryan sa isang okasyon. Ryan, naaalala mo pa ba ‘yon?

Sexy dance moves ni Ryan, bigla niyang nilabas, para kay Ysabel ay magpakitang gilas. Ryan, baka matunaw ang bisita! Napansin kasi ni Meme na parang titig na titig ka, tama ba?

Tama ang kutob ni Ysabel na si TagoKanta 3 ang celebrity singer. Pero hindi ito ang pinangalanan n’yang si Yael Yuzon. Dahil ang celebrity TagoKanta na real ay si Ney Dimaculangan, ang bagong frontman ng ‘90s rock band na Orient Pearl.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.