Ogie Alcasid, hindi napigilan magreklamo! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie Alcasid, hindi napigilan magreklamo! | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 05, 2025 04:47 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Excited si Amiel Sol na mag-perform sa “It’s Showtime” entablado. As an opening act pa, kaya soafer ang saya. Nag-uumapaw rin ang feels ng Madlang People na tila nakahanap ng pahinga sa kan’yang musika. Kung gusto n’yo ‘yung comforting lang sa feeling, “Sa Bawat Sandali” ni Amiel ang i-stream.

Kung gusto mo namang matuto, may bonus pang papremyo, pa-Quiz V ni Vice Ganda ang swak sa’yo. Sa mga tanungan ni Meme, Pilipinas ang bida, kaya naman ang mga sagot ay isipin nang tama! May grammar check din, kaya isipin kung ang tamang sagot ba ay ‘on,’ ‘at,’ or ‘in.’

Mula sa intense na pa-quiz bee, exciting din ang ganap sa ANSABE. Game face on si Kulot sa pagsagot. Two points! Okay na ‘to, sabi ng teammates n’yang sina Ogie Alcasid, Ion Perez, Lassy, Argus, at Vhong Navarro.

First word pa lang ay litaw na ang galing ni Stephen. Bata ‘yan ng Team Jhong Hilario, Jugs Juueta, MC, Kelsey, at Darren Espanto. Naka-perfect lang naman si Stephen, ni wala pang isang minuto! Kaya naman si Vice, nagreklamo. May dayaan bang naganap dito?

ADVERTISEMENT

Ang Team Vice, may super cute na pambato! Pero kalagitnaan ng laro, ang cutie bulilit na si Ayesha, nakakunot na rin ang noo. Oh, no! Lulusot sina Vice, Karylle, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Imogen. Hirit ni Meme, mas okay nang lumusot kaysa magbakasyon. IYKYK.

Ang Team Vhong, sinubukan pang takasan ang FUNishment pero walang makakatakas sa istriktang game master na si Amy Perez. Lusutan na, mga bes!

Day 2 na ng istoryang ‘Soafer Latina’ sa Sine Mo ‘To. Kahit anong role, go lang nang go, walang magrereklamo! Parang si Ogie. Haligi ‘yan ng OPM, pero kahit anong ipagawa ay game. Walang palag kahit pahiran ng magic serum sa buong mukha pati na sa katawan. Dahil hirit niya, mas maraming serum, mas malaki ang kitaan. At kahit pagulung-gulungin silang dalawa ni Darre, na gumaganap bilang batang version niya, gagawin nila basta’t Madlang People ay mapasaya.

Pero kaya mo pa ba talaga, Tito Ogs? Biro niya, gusto na niyang magreklamo. Gusto lang naman daw niyang mag-host pero bakit parang nakakapagod masyado?

Sumabak ang ilan sa ‘Sabon-Lollipop’ Challenge! Sa sobrang lito, si Ryan Bang, sabon ang nalasahan. Feel na feel naman ni Karylle ang mala-teatro n’yang entrance. At si Tiyang Amy, naging Tiyang ‘Eme’, ang tagapaghatid ng blind items na eme-eme. Pagkatapos ng aktingan, sina Jackie at Vice, parang may dapat pag-usapan. ‘Yung kalma at pasensya ni Meme, mukhang naubos dahil sa joke ni Jackie!

ADVERTISEMENT

Times two ang good vibes at kilig sa ‘Hide and Sing’ dahil nag-collab sina PBB Gen 11 ex-housemates JM Ibarra at Dylan Yturralde sa guess-sing.

Bago pa man tanungin si JM tungkol sa hula nilang TagoKanta, si Vice Ganda na ang naunang umusisa. JM, ang tanong kasi ng bayan, “Nasa’n si Fyang?” Saan pa nga ba? Eh ‘di sa puso ni Ginoong Ibarra!

Sa pagkilatis ng mga TagoKanta, hindi lang boses ang basehan. Minsan pati sa kilos ay nagkakaalaman. Kaya ang dare ni Vhong sa tatlong TagoKanta, ipakita ang pagkaway na pang-artista.

Chill lang sina JM at Dylan. At ang hinahanap nilang celebrity singer ay ‘yung chill din lang. Parang si TagoKanta 2, na inawit ang “If You’re Not The One.” May star quality rin naman ang boses nina TagoKanta 1 at TagoKanta 3. Pero mas na-convince sina JM at Dylan sa kilos ni TagoKanta 2, na ang hula nila’y si Rob Deniel.

Almost perfect na sana ang hula. Pero si TagoKanta 2 ay si The Juans vocalist Carl Guevarra pala!

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.