Ayesha, nahirapan sa Ansabe! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ayesha, nahirapan sa Ansabe! | It’s Showtime

Ayesha, nahirapan sa Ansabe! | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 28, 2025 07:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ito ang araw para i-reward ang sarili. Deserve mo ang chill at masayang Friday, kaya sama na sa trip ng ‘Showtime’ family. Kung ang bad vibes ay nag-disappear, meron namang nag-reappear! Nagbabalik si Ogie Alcasid na may pasalubong kay Ryan Bang. Pero, hirit ni Ryan, bakit naman pang-brokenhearted ‘yung pasalubong na ‘yan?

Beautiful in red naman si Bela Padilla, na nagbabalik sa ‘Showtime’ stage. Si Bela, sinalubong agad ng masayang hulaan sa Ansabe. At mukhang siya ang lucky charm nina Vhong Navarro, Ion Perez, Jannah Chua (ng Showtime Online U), Stephen, at buli-lip reader Kelsey today. Dahil sa strategy ni Bela, naka-four points ang grupo nila.

Si Kulot, nakakuha rin ng apat na sagot. Kaya feeling ‘sumakses’ ang teammates n’yang sina Jhong Hilario, Cianne Dominguez, Karylle, Jaze, at Darren Espanto. Ang leader ng Team C na si Ogie, umpisa pa lang ay parang iiyak na. Kuys Ogie, magtiwala ka lang kay buli-lip reader Ayesha, pati na kina Ryan, MC, Briseis, at Jackie Gonzaga.

Sa pagpapatuloy ng kwentong ‘My Love Will Make You Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth, One-Fourth, One-Half, Disappear, Appear’ sa ‘Sine Mo ‘To,’ problemado pa rin ang perya owner na si Memerlyn (Vice Ganda) sa casting ng opening ng perya sa Sabado.

ADVERTISEMENT

Ekis na ang Kambal Sa Zumba (Karylle at Jackie) na hindi magkasundo sa steps nila. Kaya ang atensyon ni Memerlyn, napunta kay Johaira, na best friend daw niya. Hirit ni Lady Ganda-Gandahan (MC), sige nga, patunayan ang pagkakaibigan! Johaira, itaas ang kili-kili at aamuyin ni Memerlyn ‘yan!

Nakilala rin natin ang bagong French speaking sirkero (Darren), na sa pagsasayaw ay bigay-todo. ‘Yun nga lang, literal na nagkalat sa peryahan. Pumasok din sa eksena si Adonis Pangilinan (Ogie) na pinagkaguluhan ng mga kababaihan (kahit hindi kaguwapuhan–‘yung tagasalaysay ang nagsabi n’yan). Pero naputol ang kasiyahan sa pagdating ng manghuhulang kinatatakutan, walang iba kundi ang British gal na si Scary Underwood (Bela). Pagsilip niya sa bolang kristal, isang masamang pangitain ang kan’yang natunghayan. May mamamatay raw sa peryahan. At ang magiging salarin ay si… Adonis Pangilinan. Kakalat ang isang malubhang sakit, ang mga tao sa perya ay magkakahawaan. Speaking of hawaan, ang British accent ni Scary ay lumulipat sa kung sinuman ang hahawak sa bolang kristal.

Pero ang isip ni Memerlyn ay nakatuon pa rin sa nakatakdang opening ng perya. Naisip niyang turuan na lang ng “I Wanna Dance With Somebody” dance steps ang mga kasama. Pati Madlang People ay nakihataw pa!

Sa Day 5 ng ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak’ Round 2, kanya-kanyang paandar ang mga napiling mang-aawit upang iangat ang kani-kanilang pangkat.

Maliit man sa inyong paningin, ngunit ang kan’yang galing ay nakakapuwing. Si Shawn Hendrix Agustin, ang resbaker mula sa ‘TNT Kids’ edition, full of confidence na sumalang sa entablado upang ibigay sa Pangkat Alab ang ikatlo nilang panalo. Sa pagbirit niya ng “Bridge Over Troubled Water,” si hurado Pops Fernandez ay namangha sa ipinamalas n’yang vocal powers.

OPM classic na “Ipaglalaban Ko” naman ang panlaban ni Aihna Imperial, na mula sa ‘TNT The School Showdown’ edition. Pangkat Agimat represent, sigaw ni Aihna, na kaboses daw ni Bela Padilla? Sample naman d’yan, Bela!

Matindi ang hampas ng bawat notang binibitawan ni RG Mia. Ang pambato ng Pangkat Alon, laban na laban para sa kampeonato. ‘Yung gigil na manalo, kitang-kita sa pagkanta niya ng “There’s A Winner In You.”

Dikit na dikit ang scores ng tatlong mang-aawit. Pero sa huli, ang 12-year-old resbaker na si Shawn ang nakakuha ng pinakaamataas na grado mula kina hurado Pops Fernadez, Lani Misalucha, at Louie Ocampo.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.