Vice Ganda, may paalala sa paggamit ng social media | It’s Showtime | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice Ganda, may paalala sa paggamit ng social media | It’s Showtime

ABS-CBN Studios
Published Mar 27, 2025 04:23 PM PHT
|
Updated Mar 27, 2025 07:28 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

How to beat the heat? Bukod sa mga palamig, o pagbababad sa pool, nakakapawi rin ng init ang pagtawa kasama ang mga kaibigan at pamilya. Huwag mag-alala, present palagi ang Showtime family para maghatid ng mga pakulo na sa inyo ay magpapangiti.

Marami na ang napangiti sa pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino na "My Love Will Make You Disappear," na naka-12 million na sa box office.

Pang-box office rin ang performance ng mga teams sa 'Ansabe.' Maganda ang laban today dahil ginalingan ng tatlong buli-lip readers. Unang sumalang sa hulaan si Enicka, na 4 points ang ibinigay sa teammates n'yang sina Stephen, Ryan Bang, Baby Doll Johaira, at Anthony Castillo ng 'Showtime Online U.' Pero perfect na sana, kung hindi lang nabulol si Team Leader Ryan. Feel na feel niya ang pressure, for sure!

Si Vhong Navarro, na ‘binusog’ ang madlang people sa makikinis niyang mga braso, very confident din sa kan’yang grupo. Naka-tatlong tamang sagot si buli-lip reader Jaze, with the help of his teammates Vhong, Kelsey, Jackie Gonzaga, at Sheena Belarmino at Eris Aragoza ng Showtime Online U.

ADVERTISEMENT
Nice try rin for Imogen, ang buli-lip reader nina Karylle, MC, Ayesha, at Wize Estabillo ng Showtime Online U. Nakakuha ng dalawang puntos ang kanilang grupo. Tulad ng dating gawi, lulusot ang teams na may pinakamaraming mali.

Sa pagpapatuloy ng kuwentong ‘My Love Will Make You Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth, One-Fourth, One-Half, Disappear, Appear’ sa ‘Sine Mo ‘To,’ revenge plans ng Kambal Sa Zumba (Karylle at Jackie) ay hindi pa rin nagbabago. Nakaharap nila ang may-ari ng perya na si Memerlyn (Vice Ganda), na sinubok ang pagiging witty nilang dalawa.

Gusto ni Memerlyn ng isang bonggang production number sa pagbubukas ng kan’yang perya sa Sabado. Ang tanong, sino ang magpe-perform? Napa-audition si Baby Doll Johaira. Pero imbes na talent, iba ang napansin ni Meme sa kan’ya. Bakit daw amoy bubong si Johaira at mala-gagamba ang laway? Teka, sa sobrang haba ng exposure ni Johaira, ‘nainggit’ si Ryan Bang, kaya naman nagpakitang gilas din ang ating oppa. Biglang dumating si Lady Ganda-Gandahan (MC) na napagkamalang kung anu-ano, from flower vase to kurtina at iba pa.

Tuloy pa rin ang paghahanap ng performer sa opening ng perya. Pinasayaw ang Kambal Sa Zumba. Pati si Vhong na tagasalaysay ng istorya, pinatalsik ni Memerlyn sa pwesto dahil gusto n’ya itong pasayawin sa Sabado.

Sa tumitinding salpukan ng mga boses na pangmalakasan sa Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak, dapat maging careful, hindi lamang sa mga notang inaawit kundi sa bugso ng damdamin.

Lulunurin ni Shanne Gulle ang mga kalaban sa pamamagitan ng kan’yang rumaragasang galing sa pagkanta ng “Forever” ni Mariah Carey. Ito raw ang TOTGA song ni Shanne sa TNT, o ‘yun bang kanta na nireserba niya sa isang espesyal na round pero naudlot ang pinangarap n’yang laban. Pinuri ni hurado Lani Misalucha ang vocal calisthenics ni Shanne.

As a huge Mariah fan, syempre excited siya nang mabalitaan ang upcoming concert ng international diva sa Pinas. Sobrang deserve ni Shanne na mapanood ang idolo, kaya bilang regalo, sagot na ni Vice Ganda ang concert ticket niya. Bet din daw manood ni Vhong, pero hirit ni Meme, ibang ‘Maria’ ang nakita niyang pinapanood ni Vhong!

Ang kapangyarihan ng Pangkat Agimat, inilabas naman ni Shirlyn Hida. Ay, gumana nga ang agimat niya–gumana kay Froilan Cedilla pero sa puso ang tama. ‘Baby’ pa nga! Tinamaan din si Punong Hurado Louie Ocampo, as in tinamaan ng tensyon sa sobrang taas ng piyesa ni Shirlyn, pero, aniya, nasapul naman ang bawat nota.

Concert feels naman ang hatid ni Froilan ng Pangkat Alab na nakatanggap ng standing ovation mula sa Madlang People. Sabi ni hurado Pops Fernandez, good thing na nakinig si Froilan sa naging comment noon ni hurado Lani tungkol sa linaw ng pagkanta.

Si Froilan ang nakakuha ng pinakamataas na grado mula sa mga hurado. May dalawang puntos na ang Pangkat Alab, at tig-isa naman ang Pangkat Alon at Agimat.

Bago matapos ang palabas, may isang mahalagang announcement ang programa. Ang bawat kalahok sa TNT All-Star Grand Resbak ay may pinirmahang waiver ng naglalaman ng mga mahahalagang kasunduan. Sa ‘di inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng Pangkat Alon ay lumabag sa mga nakasaad sa waiver, dahilan upang siya ay tuluyang ma-disqualify sa kumpetisyon. At dahil sa mabibigat na paratang na inilathala niya sa social media tungkol sa kumpetisyon at sa programa, may posibilidad na masampahan siya ng kaso. At dahil sa pangyayaring ito, isang miyembro mula sa natibag na Pangkat Amihan ang napili para punan ang slot ni Marco sa Pangkat Alon, at ito ay si Arvery Lagoring.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagpahayag si Vice Ganda ng isang mahalagang paalala tungkol sa responsableng paggamit ng social media.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Read More:
Its Showtime
Vice Ganda
Vhong Navarro
Jhong Hilario
Ryan Bang
Ion Perez
Karylle
Kim Chiu
Amy Perez
Jugs Jugueta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT