Kim, biglang nag-‘appear’ sa audience entrance? | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim, biglang nag-‘appear’ sa audience entrance? | It’s Showtime

Kim, biglang nag-‘appear’ sa audience entrance? | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 26, 2025 07:18 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Full of magic ang Miyerkules dahil sa pag-appear ng KimPau sa ‘Showtime’ stage. Sina Kim Chiu at Paulo Avelino, pinakilig ang buong studio! Parang sikat ng araw, mainit ang pagtanggap ng fans sa pelikula ng KimPau na “My Love Will Make You Disappear” kaya todo ang pasasalamat ng dalawa.

Uy, si Paulo, biglang napagiti at may ibinuking tungkol kay Lassy. Sino ba kasi ‘yung nag-appear sa red carpet ng “My Love Will Make You Disappear”? Lassy, gusto ma bang i-share?

Walang magic at walang daya ang hulaan sa paboritong lip-reading game ng bayan, ‘Ansabe.’ Unang sumalang bilang buli-lip reader si Imogen, na naka-one point with her teammates Karylle, Jackie Gonzaga, Lassy, Teddy Corpuz, at Jaze.

Si Kelsey, medyo nag-struggle. Pero ang mahalaga, super cute mo pa rin, girl! Looking cute rin habang lumulusot ang groupmates n’yang sina Ayesha, Kim, Vhong Navarro, Ryan Bang, at Eris Aragoza ng ‘Showtime Online U.’

ADVERTISEMENT

Ang swerte, minsan parang kabute, ‘di mo alam kung kailan at saan mag-a-appear. Sa araw na ‘to, swerte ang dumapo sa grupo nina Argus, Cianne Dominguez, Jhong HIlario, Ion Perez, Argus, at buli-lip reader Kulot. Three points!

Umulan ng magic tricks sa pagpapatuloy ng kwento ng ‘My Love Will Make You Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth, One-Fourth, One-Half, Disappear, Appear sa ‘Sine Mo ‘To.’

Pinasaya nina MagiShawn Mendez (Jhong) at George The Jungle (Vhong) ang Showtime perya with their ‘barya’ tricks. Pati si Saringkingking (Kim), nakisali sa gimik. Heto ang mas matindi! Si Saringkingking, nag-appear at disappear sa iba’t ibang parte ng ABS-CBN?! Gulat kayo ‘no?! At sa sumunod na hampas ng pulang tela, si Memerlyn (Vice Ganda) naman ang nagpakita.

May mga bagong karakter na um-enter. Nan’dyan na ang Kambal sa Zumba (Karylle at Jackie) upang maghiganti kina MagiShawn Mendez at George The Jungle. Sila raw ang OG stars ng perya ni Memerlyn, pero pinatalsik dahil kina George at MagiShawn. Oh, no! The plot has thickened! Abangan ang susunod na mangyayari sa kwentong ‘to until the end.

Pasabog ang ikatlong araw ng “Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak” Round 2. ‘Puksaan’ sa tanghalan ay itinodo ng mga mang-aawit upang ang kanilang mga pangkat ay manalo.

Hindi pa man nakaka-recover ang marami sa concert feels na hatid ni Marko Rudio no’ng Sabado, agad-agad ay muli siyang sumalang sa entablado upang iangat ang

Pangkat Agimat. Pero ‘di tulad ng huling performance niya, less pressure ang naramdaman ni Marko sa araw na ‘to. He rocked the stage, singing Rico Blanco’s “Yugto.” Rakrakan ay kan’yang itinodo. Buti na lang daw, biro ni Vice Ganda, na-anticipate nila ang ‘kalikutan’ ni Marko sa stage kaya mas pinatibay ang bagong gawang LED screen sa gitna nito. Samantala, lahat ay napanganga at napaisip sa komento ni hurado Pops Fernandez. Bakit naman daw kasi may cliffhanger, Ms. Pops?

“Sino Ang Baliw?” tanong ni Pangat Alab bet Judy Lou Benitez sa tanghalan. Ay talagang nakakabaliw ang galing ng mga resbakers. Sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, nagustuhan niya ang rap part sa pagkanta ni Judy Lou.

Pero hindi nagpadaig si Ayegee Paredes ng Pangkat Alon. Humahamapas ang galing niya sa pag-awit ng “Superwoman,” na nakatanggap ng standing ovation mula sa mga hurado. “Flawless” kung tawagin ni hurado Dingdong Avanzado ang pagtatanghal ni Ayegee na perfect para sa pagdiriwang ng Women’s Month. Lumaban si Ayegee hanggang dulo kahit aminadong kinabahan kay Marko.

Ayon sa announcement ni Vice Ganda, nagkaroon ng tie para sa round na ito kaya kinailangang mag-deliberate ng mg hurados. Pero sa huli, si Marko ang hinirang na wagi. Sa ngayon ay may tig-isang panalo na ang tatlong pangkat.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.