Kim, hinamon ni Vice Ganda na mag-headstand | It’s Showtime | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kim, hinamon ni Vice Ganda na mag-headstand | It’s Showtime

ABS-CBN Studios
Published Mar 25, 2025 01:33 PM PHT
|
Updated Mar 25, 2025 08:15 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ngayong Martes, pwedeng lumabas basta mag-ingat sa matinding init. Drink your water. Stay hydrated. Tulad ng sikat ng araw, mataas ang level of excitement sa paboritong lip-reading game ng bayan, ang ‘Ansabe.’

Bawing-bawi si Ayesha na almost perfect ang performance for today’s hulaan. Four points ang ibinigay niya sa teammates na sina Vhong Navarro, Karylle, Ion Perez, Anthony ng ‘Showtime Online U’, at Argus.

Hindi man nakahigit ang tagahulang bulilit pero good job pa rin ang team nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, Ryan Bang, Cianne Dominguez, at Kelsey, with their buli-lip reader, Kulot.

Si Kim Chiu, excited sa pelikula n’yang “My Love Will Make You Disappear” na ipapalabas na simula bukas. Pero dito muna siya nag-appear sa ‘Ansabe’ bilang team leader nina Teddy Corpuz, Lassy, Lorraine ng ‘Showtime Online U,’ Enicka, and their buli-lip reader, Jaze. Lost in translation man no’ng una–sabi ni Lassy, “maganda,” pero ang basa ni Jaze ay “matanda”–nakabawi sila agad at naka-four points pa.

Sa oras nagkatalo ang dalawang nangunang grupo. Sa dulo, Team Kim ang hinirang na panalo. FUNishment naman ang ibinigay sa mga natalo.

Panalo sa saya ang aktingan at magic tricks ng ‘Showtime’ artistas sa ‘Sine Mo ‘To.’ Sa pagpapatuloy ng kwentong ‘My Love Will Make You Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth, One-Fourth, One-Half, Disappear, Appear,” nawala ang magic box ng perya owner na si Memerlyn (Vice Ganda), kaya itinuon niya ang pansin sa paghahanap ng bagong magician. Pero hindi magician kundi performer ang dumating, walang iba kundi ang dalagang si Saringkingking (Kim), na itinodo ang audition with full-on dance production.

Pero, si Memerlyn, hindi masyadong kumbinsido, dahil ang hinahanap niya ay legit mahikero. Sinubukan niya ang galing ni Cookie Monster (Lassy) sa ganda-gandahan challenge. Hirit ni Vice, hirap na hirap daw si Lassy na mag-pretend as beauty. Eh, kung ‘alarma’ challenge na lang, keri? Kumasa pati si Saringkingking, na nag-exhibition para mapasaya ang perya nation.

Dahil hindi nagawa ni Cookie Monster ang challenge, uminit ang ulo ni Memerlyn at pinarusahan ang lahat sa larong ‘shoot the ring.’ Dahil walang naipasok na ring sina Jhong, Ryan, at Vhong, isang parusa ang ipinataw sa kanilang tatlo.

Ang tatlong natitirang mga pangkat, gagawin ang lahat upang journey nila ay tumamis at hindi umalat sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.’

Simple ang datingan, pero emosyon ay tatagos ‘pag boses niya ay napakinggan. Heart mo’y lalambot, mawawala ang sakit at poot dahil sa harana ni Vensor Domasig ng Pangkat Agimat, na inawit ang “Mula Sa Puso.” Bukod sa kan’yang performance, na pinuri ni Punong Hurado Louie Ocampo dahil sa pagiging simple pero totoo, kinaaliwan din ang kan’yang kuwento tungkol sa unang beses niyang sumakay ng eroplano.

Tanghalan ay naglagablab sa pagkanta ni Eich Abando ng Pangkat Alab ng “There’s No Easy Way To Break Somebody’s Heart.” Si Eich, mukhang walang inaatrasan, pero ‘pag nakita si Hurado Louie, biglang kinakabahan. Nagustuhan ni hurado Erik Santos ang vocal quality ni Eich. And speaking of boses, hiniritan si Erik na iparinig ang singing voice niya, ‘yung ‘pagod na nagmamahal’ ang peg.

Humahampas din ang galing ni Mary Khem Cabagte ng Pangkat Alon na itinodo ang pagbirit ng “Stone Cold.” Ayon kay hurado Zsa Zsa Padilla, isa ito sa pinakamahirap na piyesa pero good song choice upang ipakita ang range ng isang mang-aawit. And she must say, Mary Khem slayed it!

Matapos ang bosesan sa tanghalan, si Eich ang nakakuha ng pinakamataas na grado mula sa mga hurado. Sumunod naman si Mary Khem, at nasa ikatlong pwesto si Vensor. May tig-isang puntos na ang Pangkat Alab at Pangkat Alon. Pero determinadong makabawi ang Pangkat Agimat

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Read More:
Its Showtime
Vice Ganda
Vhong Navarro
Jhong Hilario
Ryan Bang
Ion Perez
Karylle
Kim Chiu
Amy Perez
Jugs Jugueta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT