Kim, nagulat sa kakaibang magic ni Vice Ganda at Lassy | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim, nagulat sa kakaibang magic ni Vice Ganda at Lassy | It’s Showtime

Kim, nagulat sa kakaibang magic ni Vice Ganda at Lassy | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 24, 2025 05:24 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Monday blues? Palitan natin ang kulay ng Lunes mo, ‘yung mas matingkad at mas masaya para buong linggo ay nakangiti ka. Parang si Lassy, na magaan lang ang awra in his office fashion OOTD. Dedma na kung ma-FUNish ulit sa ‘ANSABE,’ basta forda good vibes lang siya today. Everybody, tularan si Lassy!

‘Yun na nga! Olats today ang team nina Lassy, Kelsey, Karylle, Vice Ganda, Ryan Bang, at AC Soriano, with their buli-lip reader Breseis. Parang nagsisi nga si Meme, na humabol pa sa laro para lang pala matalo. Hindi mo alam kung nasa pagbigkas ba o pagbabasa ang problema. ‘Yung chocolate, naging ‘tinola’ kay Bresies. O, ‘di ba, ang layo?!

Hawa-hawa na ‘to! Pati ang grupo nina Kulot, Vhong Navarro, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, Eris Aragoza ng ‘Showtime Online U,” at buli-lip reader Jaze, ayun, zero,

Good job naman si Enicka, na naka-two points sa tulong ng teammates n’yang sina Jhong Hilario, Ayesha, Ion Perez, Kim Chiu, at Sheena Belarmino. Isang puntos lang ang hiniling ni Kim, pero dinalawa pa ni Enicka! Oha!

ADVERTISEMENT

Kung gaano ka-intense ang adult players, ganu’n din ang mga bulilits, na para bang ‘umiinit ng ulo’ ‘pag hindi nakakasagot ang kapwa bulilit na kagrupo. Chill lang, kids, enjoy-in lang ang laro!

Isang panibagong storya ang nagbukas sa ‘Sine Mo ‘To’ tungkol sa isang perya owner na looking for the best magician para hindi mag-disappear ang perya niya. Magic ba kamo? Nagpakitang-gilas si Lassy with his magic pamaypay. Sinubukan din nina Jhong at Vhong kung eepek di ba sa kanila ang ‘magic’ ng pamaypay na hinahanpas sa mukha. Nag-tandem din ang Vhong-Jhong sa mga magic tricks na walang daya, natural na natural at walang halong kemikal.

Nagulat naman si Kim sa magic trick ni Vice Ganda. Ang sabi ni Meme, pikit lang. Pero pagdilat ni Kim ng mga mata, si Lassy na ang ka-face-to-face niya. Pati raw ‘yung ‘isa pang bibig’ ni Kim, nagulat! Dahil diyan, si Meme naman ang naloka sa sinabi ni Kimmy!

Maya-maya pa ay inilabas ang magic box, at nagpagalingan ang ‘Showtime’ family sa pagpapakita ng iba’t ibang gamit nito. Teka, para saan nga ba ang magic box na ito? Sundan ang susunod na mangyayari sa “My Love Will Make You Appear, Disappear, One-Half, One-Fourth, One-Fourth, One-Half, Disappear, Appear.”

Back to zero ang scoreboard sa Round 2 ng “Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak” kaya may pagkakataon ang tatlong natitirang pangkat–Alon, Alab, at Agimat–to start fresh at ilaban ang kanilang mga pangarap.

Ang vocal prowess ni Shamae Mariano, lakas maka-Aegis. Birit kung birit, walang preno, todo lang nang todo! Pinanindigan ni Shamae ang pagiging miyembro ng Pangkat Alab. Speaking of alab, nakipagkulitan si Vice Ganda sa mga BFP officers sa studio at nagpaalala na maging mas maingat ngayon Fire Prevention Month. Parang apoy na nakakatupok din ang mga tinginan ni Lassy kay hurado Marco Sison. ‘Baby’ pa nga ang tawag ni Lassy sa matipunong hitmaker!

Si hurado Marco, pati na sina Zsa Zsa Padilla at Erik Santos, napa-standing ovation sa “A Change Is Gonna Come” performance ni Jeremiah ‘Miah’ Tiangco ng Pangkat Alon. Boses ni Miah ay parang alon na lumalakas, humihina, bumababa, tumataas. Sabi nga ni hurado Zsa Zsa, naipakita ni Miah ang range niya. “Everything was beautiful and you did perfectly today,” komento ng nag-iisang Divine Diva. Eh, kung gayahin ng ‘Showtime’ hosts ang mga runs and riffs ni Miah, keri ba nila? Sige nga!

“Bad Liar” ang kinanta ni Aboodi Yandoc ng Pangkat Agimat. Pero hindi nagsisinungaling si hurado Erik sa mga papuri sa pagtatanghal ni Aboodi na saktong-saktong lang daw ang paggamit ng mga nota. Teka, si Meme, may naisip na kakaiba!

Matapos ang salpukan sa entablado, si Miah ang nakakuha ng pinakamataas na grado (98%). Samantala, dikit naman ang scores nina Aboodi (95.7%) at Shamae (95%). May isang puntos na ang Pangkat Alon sa Round 2.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.