Resbaker Marko, may pauso na bagong tawag kay Vice Ganda | It's Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Resbaker Marko, may pauso na bagong tawag kay Vice Ganda | It's Showtime

Resbaker Marko, may pauso na bagong tawag kay Vice Ganda | It's Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 22, 2025 04:23 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

It’s finally the weekend! Congrats sa atin dahil “sumakses” na naman tayo na malampasan ang isang linggo ng pagtratrabaho o pag-aaral. Kaya naman as you take your well-deserved rest ngayong Sabado, It’s Showtime is here para pasayahin kayo! 

For sure, nag-uumapaw sa kilig ang ACEs o avid supporters ng homegrown Pinoy Pop boyband na BGYO, na binubuo nina Nate Porcalla, Akira Morishita, Mikki Claver, JL Toreliza, and Gelo Rivera, dahil sa live performance nila ng kanilang new single “Divine” para sa opening number.   

Looking so gorgeous and fresh in her corseted maroon dress, hindi halatang Karylle has turned a year older today, March 22, not to mention already in her 40s. Siya man ang may birthday, pero si “Binibining Kurba” ang may pa-mensahe sa It’s Showtime family at sa madlang people.  

Aniya, “Thank you so much, madlang people. Damang-dama ko talaga kayo kahit saan magpunta, lalong-lalo na ‘yong mga pumupunta rito sa studio. We love you. Kung alam n’yo lang talaga ang lahat ng ginagawa namin para sa inyo, talagang mas mapapamahal pa sana kami. And thank you for letting us into your lives. Thank you, thank you.” 

ADVERTISEMENT

“Thank you everyone for making everyday extra happy. Noong pumunta ako rito, hindi ko naramdaman ‘yong kaya pang isaya ng buhay. So, maraming salamat sa inyong lahat. Akala ko masaya na ang buhay, pero may isasaya pa, may igaganda pa. We are always pushing our limits dahil lahat tayo ang hilig nating magpasikat, di ba? Thank you, thank you, Showtime family for making me feel wonderful in my 40s,” dagdag ni Karylle.  

Nagbigay din siya ng ilang hints para sa kinapinapanabikang birthday production number niya soon. So, you better watch out, madlang people! 

Sa pagpapatuloy ng tunggalian sa Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025, apat na contestants na lamang ang natira upang maglaban-laban sa huling puntos na maaaring makamit ng kanilang kaniya-kaniyang grupo. 

Ramdam na ramdam ang tension at excitement kina Shamae Mariano ng Pangkat Alab, RG Mia ng Pangkat Alon, Lee'Anna Layumas ng Pangkat Amihan, at Marko Rudio ng Pangkat Agimat nang usisain sila ng hosts tungkol sa mga paghahanda na kanilang ginawa bago ang kanilang pagsalang sa entablado ngayong Sabado

Ang unang nag-perform ay si Shamae na inantig ang ating mga puso sa kanyang version ng “Tag-ulan” ng OPM band na After Image. Sinundan siya ni RG, na pinabilib tayo sa pag-awit niya ng “And I’m Telling You” ni Jennifer Hudson.  

Mas tumaas naman ang energy at emosyon sa loob ng studio nang mag-perform sina Leanna ng Pangkat Amihan at Marko Rudio ng Pangkat Agimat.  

“If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys ang napiling piyesa ni Leanna Layumas na super nagpa-impress sa lahat, habang damang-dama naman natin na “the fire was indeed burning in the eyes” of Pangkat Agimat Marko Rudio sa kanyang rendition ng “This Love” ng American band na Maroon 5.  

Sa kanilang pakikipag-usap kina Lee’anna at Marko pagkatapos ng kanilang mga pagtatanghal, ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pasasalamat sa mga kumasa sa hamon ng All-Star Grand Resbak 2025.  

“Labis kaming nagpapasalamat sa inyo kasi lahat ng ginagawa n’yo rito, para ‘to sa ikasisiya at ika-e-excite ng mga madlang people na nanonood sa inyo,” sabi ng Unkabogable Star.  

Sa pagtatapos na kanilang intense showdown, si Marko Rudio ang nanaig matapos na makakuha ng gradong 97.3% ang kanyang powerful performance ng “This Love” ng Maroon 5. Sinundan siya nina Lee’Anna Layumas ng Pangkat Amihan na nagkamit ng 95%, RG Mia ng Pangkat Alon na nakatanggap ng 94%, at Shamae Mariano na nakakuha ng 92.7%.  

Dahil sa kanyang pagkapanalo, hindi lamang mag-uuwi ng P20,000 cash prize si Marko, kundi nabigyan pa niya ng fighting chance ang Pangkat Agimat na magpatuloy sa susunod na yugto ng kompetisyo matapos niyang matamo ang huling puntos na kailangan ng kanilang grupo. 

Since nag-tie ang scores ng Pangkat Agimat at Pangkat Amihan, kinailangan nilang mamili ng tig-isang miyembro na pinaniniwalaan nilang makakapagpanalo sa kanila sa “Ultimate Pangkatapatan at magdadala sa kanilang grupo sa susunod na round.  

Si Nowi Alpuerto, na siyang nagbigay ng unang puntos sa kanilang grupo, ang pinili ng Pangkat Amihan, habang nagdire-diretso naman ang momentum ni Marko na siyang naging pambato ng Pangkat Agimat. Ipinamalas ni Marko ang pang-grand finals niyang performance ng “Magda” nina Gloc-9 at Rico Blanco, habang ipinakita naman ni Nowi ang kanyang pagiging palaban sa kanyang rendisyon ng “Gravity” ni John Mayer.  

Sa bandang huli, naipagpatuloy ni Marko ang kanyang winning streak dahil siya pa rin ang nagwagi sa tapatan nila ni Nowi.  

Subalit, hindi lamang si Marko at ang nalalabing tatlong pangkat ang uusad sa susunod na round, matapos na inanunsyo ni Vice Ganda na tatlong miyembro ng Pangkat Amihan ang pinili ng mga hurado na magkakaroon ng pagkakataon na magpatuloy sa kompetisyon. 

Hindi man siya nagtagumpay na depensahan ang kanilang koponan, ngunit binigyan pa rin ni Maestro Louie Ocampo si Nowi Alpuerto ng pagkakataon na magpatuloy at maging bahagi ng Pangkat Agimat. Si Dior Bronia naman ang pinili ni OPM Legend Nonoy Zuniga na maging parte ng Pangkat Alon, habang si Lee’Anna Layumas naman ang pinili ni Concert Queen Pops Fernandez na maging bagong miyembro ng Pangkat Alab.  

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.