Resbaker Dylan, muntik nang hindi makakanta sa TNT | It's Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Resbaker Dylan, muntik nang hindi makakanta sa TNT | It's Showtime

Resbaker Dylan, muntik nang hindi makakanta sa TNT | It's Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 21, 2025 07:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Thank God, it’s Friday! For sure, marami sa atin ang very excited na sa weekend para ma-achieve ang much awaited na tulog at pahinga matapos ang isang linggong pagpapagal at pagpupuyat sa school, work, at sa iba pa nating endeavors!

Pero bukod sa sleep at rest, may isa pa kaming alam na effective way para maibsan ang pagod na ating naramdaman— ‘yan ay ang panonood ng It’s Showtime tuwing tanghalian! 

And for today’s episode, maraming good vibes na kaganapan ang ating nasaksihan, katulad na lang ng pag-“sakses” ng koponan ni Vhong Navarro sa “Ansabe” segment.

Sina Karylle at Kim Chiu man ay kapwa in a celebratory mood dahil sa milestones na kanilang na-achieve today, ngunit tila na-spoil ito agad. Pareho kasing nakakuha ang mga grupo nila ng “perfect” score na zero matapos mabigo ang kani-kanilang “buli-lip” readers na sina Ayesha at Jaze na makahula ng kahit anong salita.

ADVERTISEMENT

Dahil natalo sila sa Team Vhong na nakakuha ng three points, Team Kimmy and Team Karylle didn’t have other way to go than lusot! Tatlong madlang audience members naman ang masuwerteng napiling mag-take home ng P5,000 cash prize.

Samantala, patuloy naman ang bakbakan ng mga malulupit na tinig sa Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025.

Nakuha nga ng Pangkat Alon ang kanilang pang-apat na panalo matapos na manaig sa laban ang miyembro nilang si Miah Tiangco. Kaya naman, ika nga ni Vice Ganda, sila at ang Pangkat Alab ay “prenteng-prente tente bonente” na dahil mayroon na silang tig-apat na puntos–sapat na para magpatuloy sila sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Ngayong down to final two contenders na lang ang bawat grupo at mayroon lamang silang tig-isang puntos, kapwa labis na umaasam ng panalo ang Pangkat Amihan at Pangkat Agimat. 

Ang hurados for the day na kumilatis sa performances ng mga lumaban ngayong araw ay sina “Concert Queen” Pops Fernandez, “Philippines’ King of Pop Ballad” Nonoy Zuñiga, at Maestro Louie Ocampo. 

Para sa araw na ito, si Dylan Genicera ang nabunot ni Miah para i-represent ang Team Alon, si Isaac Zamudio ang nabunot ni Shawn Hendrix para sa Team Alab, si Jo Pasaron ang nabunot ni Kim Nemenzo, at si Dior ang nabunot ni Anthonette para sa Pangkat Amihan. 

Regardless kung heartbroken ka man ngayon o hindi, for sure ay naramdaman mo rin ang kirot sa pag-awit ni Isaac ng Pangkat Alab ng “Sa ‘Yo” ng OPM band na Silent Sanctuary.  

Samantala, si Dylan Genicera naman ng Pangkat Alon ay pinabilib ang lahat sa kanyang rendisyon ng “Labo”, na orihinal na kinanta ng kanyang ultimate idol, si Soul Supreme KZ Tandingan. 

Baon ang inspirasyong dulot ng kanyang yumaong ina, pinamangha ni Jo Pasaron ng Pangkat Agimat ang lahat sa kanyang show-stopping version ng awiting “Radioactive” ng Imagine Dragons.

Hindi rin nagpadaig si Dior Bronia ng Pangkat Amihan sa kanyang plakadong-plakado at very intense na performance ng “I’m Goin’ Down” ni Mary J. Blige.

Sa bandang huli, si Dior ang nanaig sa tunggalian matapos na magkamit ng pinaka mataas na score na 95.7%.

Lumamang lamang siya nang bahagya kay Isaac na nakakuha ng 95.3%. Sumunod si Dylan na nagkamit ng 93.7%,  habang si Jo ay nakakuha ng 91.3% mula sa mga hurado.

Ngayon ay may tig-apat na puntos ang Pangkat Alab at Alon, habang ang Pangkat Amihan ay may dalawang puntos na. Inaabangan naman kung madadagdagan pa ang isang puntos ng Pangkat Agimat.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.