Abangan ang bagong judges at hosts ng “Pilipinas Got Talent Season 7" simula Marso 29 at 30 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Abangan ang bagong judges at hosts ng “Pilipinas Got Talent Season 7" simula Marso 29 at 30

Abangan ang bagong judges at hosts ng “Pilipinas Got Talent Season 7" simula Marso 29 at 30

ABS-CBN Studios

Clipboard

Abangan ang bagong judges at hosts ng “Pilipinas Got Talent Season 7" simula Marso 29 at 30
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pangmalakasang talento ng mga Pinoy ang ihahatid ng “Pilipinas Got Talent" na mapapanood na simula Marso 29 (Sabado) at Marso 30 (Linggo).

Sa ginanap na media conference noong Miyerkules (Marso 19), ibinahagi ng Asia’s Superstar at bagong hurado na si Kathryn Bernardo kung paano maaaring makaapekto ang kanyang mga desisyon sa pangarap ng isang tao.

“At the end of the day, iisipin ko if tama ‘yung mga nabigay kong advice sa mga contestant. Pati na din ‘yung mga Yes at No naibigay ko that day. Meron kasi kaming power to change a person’s dream or to make that dream come true. So our ‘Yes,’ it’s so powerful. And it’s also so hard to say ‘No,’” pagbabahagi ni Kathryn.

Ibinahagi rin ni dating ABS-CBN president Freddie "FMG" M. Garcia ang kanyang pananabik sa pagtuklas ng mga bagong talento sa ikapitong season ng palabas.

ADVERTISEMENT

“Marami nang bagong technology ngayon na pwede ma-incorporate sa mga talent ng magpe-perform sa ‘PGT’. Sure enough, the talents that we have right now have levelled up. I would say that they could be compared to world-class acts,” sabi ni FMG.

Nang tanungin kung ano ang inaasahan niya mula sa mga contestant, sinabi ni Donny na nais niyang makakita ng “performances that would move the room.” “The type of performance na after niyo mapanood, magsi-shift ‘yung environment,” dagdag niya.

Samantala, mataas ang papuri ni Eugene para sa ‘PGT.’ “When this show landed on my lap, I just thought that this is the best and most entertaining show. This is everything. This is entertainment, this is talent, and this is Filipino. What more can you ask for,” aniya.

Magho-host ngayong season sina Robi Domingo at Melai Cantiveros, na nangangakong magbibigay saya sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang nakakatuwang mga banat at sa pagdidiskubre ng mga nakaka-inspire na kwento ng mga contestant. Sasamahan din sila nina Wize Estabillo at Lorraine Galvez bilang hosts ng online show na PGT Exclusives para sa mas marami pang makukulit at masayang sandali.

Ang "Pilipinas Got Talent" ay ang pinakamalaking talent reality competition sa Pilipinas na nagbubukas ng entablado nito para sa mga Pinoy na may natatanging husay sa pagkanta, pagsayaw, at iba't ibang klase ng talento tulad ng magic, comedy, acrobatics at marami pa. Maglalaban-laban ang mga ito upang makamit ang pangrap bilang “Pilipinas Got Talent Grand Winner.”

Ipapakita rin ng PGT ang mga nakaka-inspire na kuwento ng mga contestant, ang pagdiriwang ng natatanging talento, ang pagkamalikhain ng mga Pilipino, at ang pagpupursige upang makamit ang pangarap.  At sa ika-7 season nito, aabangan rin ang panibagong atake ng hosts at judges sa pagbibigay saya at aral sa mga manonood.

Huwag palampasin ang “Pilipinas Got Talent” Season 7 premiere sa Marso 29 at Marso 30, na ipapalabas 7:15 pm – 8:30 pm tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z. Sa TV5, mapapanood ito 8:00pm – 9:15pm tuwing Sabado, at 8:15pm – 9:30pm tuwing Linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.