Resbaker Miah, inspirasyon ang dating nakalaban na si Sofronio | It's Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Resbaker Miah, inspirasyon ang dating nakalaban na si Sofronio | It's Showtime

Resbaker Miah, inspirasyon ang dating nakalaban na si Sofronio | It's Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 20, 2025 06:03 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa pula, sa puti, ang panalo ay hindi natin bati! Parang ganyan ang motto ng mga teams na kasali sa ‘Ansabe.’ Sabi nga ni Kuys Jhong Hilario, ‘di bale nang ma-zero basta damay-damay na ‘to!

Sige, damayan natin ang mga players sa nakakalokang hulaan. Ang unang grupo na sumubok ng kanilang galing sa lip-reading ay ang team nina Vhong Navarro, Stephen, Kim Chiu, Teddy Corpuz, at buli-lip reader Kulot. Bungad pa lang, perfect zero na agad! Malungkot tuloy sina Stephen at Kulot. Okay lang ‘yan, kids, sabi ni Kuys Jhong, masustansya naman ang ‘itlog.’

Todo sa effort din si Argus and his teammates Jhong, Ayesha, Lassy, Jackie Gonzaga, at Anthony ng ‘Showtime Online U.’ Literal na panghuhula naman ang ginawa ni Kelsey. ‘Yung mga sagot niya sa lip-reading, parang WiFi na struggling… walang konek. Na-bokya si Kelsey kaya lulusot siya pati ang teammates n’yang sina Karylle, Ryan Bang, Lassy, at Jugs Jugueta.

Merong tumatamis at merong inaalat. Ganyan ang kapalaran ng mga pangkat na patuloy na lumalaban sa “Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.”

ADVERTISEMENT

Parang huni ng ibon sa hanging malamig–masarap sa feeling! Ganyan ang performance ni Anthonette Tismo ng Pangkat Amihan. “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” awit niya sa entablado. Bawat nota ay galing sa puso. Inspirasyon ni Anthonette ang anak na mahal na mahal niya. Dahil diyan, napag-usapan ng ‘Showtime’ family ang katatagan at sakripisyo ng mga babae at mga ina. Happy Women’s Month sa mga kababaihang palaban!

Matatag din na sumabak sa hamon ng tanghalan si Kim Nemenzo para iangat ang Pangkat Agimat. Teka, huwag malito. Si Kim ‘yan, hindi si Leni Robredo. Trip talaga ni Vice Ganda ang ‘mang-asar’ today, dahil hindi nakaligtas maging si Punong Hurado Louie Ocampo. Parang may ‘something’ daw kasi sa komento ni Sir Louie. Ikaw talaga Meme!

Nakakatupok ang hotness ng “Through The Fire” performance ni Jeremiah ‘Miah’ Tiangco ng Pangkat Alon. Speaking of hot, nakatanggap ng maiinit na komento si Miah mula sa netizens nang piliin niyang sumabak ulit sa TNT. Pero nakita ng lahat kung paano niya pinanindigan ang isang desisyon na buong puso niyang pinili. Ikinuwento ni Miah ang dahilan kung bakit siya sumali ulit sa TNT kahit naging champion na siya sa ibang TV singing competition. Nabanggit din niya na na-inspire siya kay Sofronio Vasquez, na tumalo sa kan’ya noon sa TNT.

Maliit man sa inyong paningin, pero nakakapuwing ang galing ng kiddie Resbaker mula sa Pangkat Alab, si Shawn Hendrix Agustin, na maagang nakatanggap ng standing ovation mula kay Hurado Pops Fernandez.

Samantala, mapapa-standing ovation ka rin sa tapang ni Lassy. Pa-sweet ’yan siya kay hurado Marco Sison, na tinawag niyang ‘baby.’

Matapos ang isa na namang round ng resbakan, ang wagi sa araw na ‘to ay si Jeremiah ng Pangkat Alon na inawit ang “Through The Fire.” Namangha rin ang marami nang makita na pumangalawa si Shawn sa laban at dikit na dikit ang scores nila ni Jeremiah.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.