Sino nga ba ang inspirasyon ng bagong hairstyle ni Vice Ganda? | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sino nga ba ang inspirasyon ng bagong hairstyle ni Vice Ganda? | It’s Showtime

Sino nga ba ang inspirasyon ng bagong hairstyle ni Vice Ganda? | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 10, 2025 05:31 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Madlang People, ang kulay ba ng Lunes mo ay asul? As in Monday blues? Huhu. Pero huwag mag-alala dahil nandito ang ‘Showtime’ family para araw mo’y gawing matingkad tulad ng rainbow. Dito, walang dull moments, walang gray! Good vibes lang all the way! 

Uy, may mga espesyal tayong bisita mula sa Wharton School. Smart din tulad nila ang mga batang huhula sa lip-reading game na ‘Ansabe.’ Simulan natin with Kelsey, na naka-gets ng isang salita sa tulong ng teammates na sina Ayesha, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Lassy, at Jugs Jugueta. 

Maganda ang Lunes ng team ni Briseis! Naka-four correct answers ang baby girl kaya panalo na ang grupo nila ni Vhong Navarro, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, MC at Jaze. 

A for effort pa rin para sa little chinito na si Argus. Hindi man naka-puntos, always full of joy naman this cutie boy. Mabilis na tinanggap nina Karylle, Ion Perez, Ryan Bang, Kelsey, at AC Soriano ng ‘Showtime Online U’ ang kanilang kapalaran sa lusutan. First time ma-FUNishment ni AC. 

ADVERTISEMENT

Pero si Lassy, pang-14th time na, kaya inaasar na may dalang ‘malas.’ Abangan natin kung lulusot din siya bukas. 

Mga mang-aawit mula sa iba’t-ibang henerasyon ng Tawag Ng Tanghalan ang nagbabalik upang muling maghasik ng talento at himig na nakabibilib! Opisyal nang nagbukas ang ‘TNT All-Star Grand Resbak.’ 

Exciting ang comeback nina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee'anna Layumas,Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra  Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan, Vensor Dumasig, Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Marko Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida, Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle,Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Jeremiah Tianco, Dylan Genicera, Shawn Agustin, Keith Perez, Aliyah Quijoy, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Ramirez, Aihna Imperial, Lady Ramento, Maty Cabagte, Mariel Reyes, RG Mia, at Venus Pelobello. 

Sa edisyong ‘to, ang 48 Grand Resbakers ay mahahati sa apat na pangkat–Alab, Alon, Amihan, at Agimat. Kada araw, tig-iisang miyembro mula sa apat na grupo ang magsasalpukan sa entablado, at isa lang ang mananalo, habang ang tatlong may pinakamababang grado ay tuluyan nang ‘magba-babu.’ Ubusan ng lahi ang labanan dito! 

At dahil espesyal ang resbakan, dalawang OPM icons ang nadagdag sa listahan ng mga huradong pangmalakasan. Sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Concert Queen Pops Fernandez ang pinakabagong bahagi ng TNT Hurados. Agad-agad ay napasabak sila sa pagkilatis ng mga mang-aawit kasama si Punong Hurado Louie Ocampo. 

ADVERTISEMENT

Sa unang laban pa lang ay nakakalunod na ang husay ni Shanne ng Team Alon na inawit ang “Vision of Love.” Walang halong kaba, dahil alam niya na araw niya ‘to. Samantala, maliit man sa paningin ay nakakapuwing din ang galing ni Neithan ng Team Agimat. Ibinuhos ng 13-year-old singer ang lahat ng kapangyarihan niya para tapatan si Shanne gamit ang awiting “Bulag, Pipi, Bingi.”

Sa Round 2, nagpasiklab si Froilan ng Team Alab. Sa pagkata ng “Lose Control,” rocker energy niya ay ‘di matitibag. Na-impress si hurado Lani Misalucha, na nag-growl ala rakista. Hirit naman ni Vice Ganda, parang gan’un din si Nanay Rosario ‘pag ‘nagbubunganga.’ 

Parang hanging malamig ang tinig ni Psalm ng Team Amihan na binigyan ng refreshing twist ang OPM hit na “Rainbow.” Pero, komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, medyo naguluhan siya sa paiba-ibang tono at istilo. 

Sa pagtatapos ng unang araw ng resbakan, si Shanne ng Team Alon ang nakakuha ng kauna-unahang puntos para sa kan’yang koponan. 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.