Zeah Nestle Pala is the Sexy Babe 2025 Grand Winner | It's Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Zeah Nestle Pala is the Sexy Babe 2025 Grand Winner | It's Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Mar 01, 2025 05:09 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang init na sa labas! Heat index ay mukhang nagsisimula nang tumaas. Sabayan pa ng pagrampa ng mga hottie na binibini, on fire talaga ang unang araw ng March. Smokin’ hot and ready to slay ang walong contestants na nagpasiklaban sa ‘Showtime Sexy Babe 2025’ Finale. 

Init na init ang entablado, thanks to Kyle Echarri and Darren Espanto, kasama pa ang kauna-unahang Sexy Babe, Sam Coloso, sa isang performance na todo sa HOTaw. Wala ring preno sa pagpapa-wow ang mga grand finalists na isa-isang nagpakilala–lahat ay pasok sa banga! Panoorin ang fierce finale performances nina Sexy Babes Anabela, Jillian, Lovelyn, Maxine, Rica, Angel, Zeah, at Krishia. 

Parang sinag ng araw sa tanghaling tapat ang nakakatunaw na killer smile nina Joshua Garcia at Jameson Blake. Sexy and fierce rin sina Chie Filomeno, Michelle Dee, at Ariella Arida. Silang lima ang pangmalakasang Sexy AuthoriTEAM para sa Grand Finale. Kaya naman masayang-masaya si Vice Ganda, umepek daw ang ‘friendship card’ para makumbinsi si Joshua na mag-judge. Kahit sobrang hectic ng schedule ni Joshua sa taping, syempre, gagawan niya ng paraan ‘pag si Meme na ang humiling. Pero hindi ‘ata hiniling ni Meme ‘yung maging magkatulad sila ng awrahan ni Michelle, from the leather jacket to the blonde hair. Confident daw siya no’ng una, pero nang makita si Michelle, nawala ang kumpiyansa niya. 

Kung nagkakapuksaan na rin lang naman, damay na dapat ang OOTD nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Ang isa ay may shades na kakaiba, at ‘yung isa naman ay dinaan tayo sa kaputian, parang mansanas na binalatan!

ADVERTISEMENT

Ang boses at kaguwapuhan ni James Reid, smooth like butter, hot like summer! Mga binibini ay kan’yang hinimigan habang rumarampa sa swimsuit round. Nang lumakad na ang grand finalists, para silang mga anghel na bumaba ng langit, at tuluyang naghalo ang init at kilig! Hindi rin mawawala ang kaunting comedy, sagot na ‘yan ng mga patawang intro ni Vice Ganda, na always havey. 

Hindi naman siya hurado, but just for fun, ano kaya ang rating ni James sa hotness level nina Jhong at Ogie Alcasid? Nagbigay rin ng komento si hurado Michelle tungkol sa hard work at consistency na kailangan para ma-perfect ang pagrampa in a bikini. 

Parang dinuduyan sa ulap ang feels sa boses ni Arthur Nery na sobrang dreamy–bagay na bagay sa mga binibining hot and  sultry na rumampa in their long gowns.

At mula sa walong babe-nibini, ang Top 4 na sina Krishia, Rica, Angel, at Zeah lamang ang umusad sa Q&A, kung saan pare-pareho nlilang hinarap ang iisang katanungan: “Kung magkakaroon ng scientific breakthrough na ang mga lalaki ay pwede nang magbuntis, bilang babae, papayag ka ba na ang mga lalaki ay magkaroon ng karapatang magbuntis?” 

They came, they saw, and they slayed those answers! Pero sino ang mas umangat at hihirangin na pinaka-sexy sa lahat? 

ADVERTISEMENT

Oras na para ipasa ang korona sa bagong reyna na hindi lang sexy at maganda, kundi nakakapaso ang karisma. Thanks to her pasabog na rampa, sizzling personality, at nagliliyab na performance sa Q&A, kinorohan bilang ‘Showtime Sexy Babe 2025’ si Zeah Pala. Siya rin ang tinanghal na Best in Swimsuit. 

Wagi bilang 1st runner-up si Angel Brahms, na nakuha rin ang Best in Pasarela award. Nasa sumunod na pwesto naman si Rica Penalba, at panalong 3rd runner-up si Krishia Abad.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.