Vice Ganda, binalikan ang pangyayari sa People Power | It’s Showtime | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, binalikan ang pangyayari sa People Power | It’s Showtime

Vice Ganda, binalikan ang pangyayari sa People Power | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Feb 25, 2025 08:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang malaking bahagi ng kasaysayan ang ating ipinagdiriwang sa araw na ‘to, ang EDSA People Power Revolution. Maniwala  ka na hawak mo rin ang power na baguhin ang takbo ng buhay mo. Simulan ang pagbabago sa pagpapakalat ng happiness at good vibes, tulad ng mga teams na nag-enjoy na, nakapagpasaya pa ng manonood sa ANSABE. 

Kung kahapon ay naka-perfect ang grupo ni Vhong Navarro, ngayon ay inalat sila sa hulaan. Mabuti na lang at umepek ang mata-mata acting ni Vhong kaya naihabol ni Ayesha ang one point. 

Sa sobrang gigil ng ikalawang grupo, parang gusto nang sigawan ni Teddy Corpuz si Kelsey para lang ma-gets ang word na langgam. Good job pa rin kay Kelsey, na naka-4 points within 1 minute and 24 seconds. Confident na sina Jaze, Teddy, Jhong Hilario, Ion Perez, at Darren Espanto. 

Pero, eto na nga ang sinasabi nilang panalo na sana, kinapos pa. Dahil ang team nina Argus, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Cianne Dominguez, MC at Vice Ganda, with buli-lip reader Stephen, naka-4 points within 1 minute and 23 seconds. 

ADVERTISEMENT

Paganda nang paganda ang labanan sa hulaan. Pero ano ‘tong kababalaghan sa lusutan? Si Kim Chiu, ‘nagkalat’ na naman? Parang may umihi, sabi ni Meme. At dalawa lang ang napagbintangan. Si Ayesha ba o si Kim ang may kagagawan? Ingat sa paglusot Kimmy at Darren, baka madumihan ang t-shirts n’yong twinning. Natalo man si Kulot sa laro, panalo naman siya sa kilig. Dahil nag-volunteer si Stephen na siya na ang lulusot para kay Kulot. 

Ika’y mapapa-ohh la la sa kagandahan at kaseksihan ng dalawang dalaga na rumampa sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’

God didn’t bring you here just to bring you here,” ‘yan ang malalim na motto ni Sexy Babe Micaella. Kaya naman ang hosts, napa-imbestiga. Saan at ano nga ba ang pinagmulan ng nabanggit na kasabihan? 

Si Sexy Babe Krishia, feel na feel pa rin ang pagrampa kahit mga daliri sa paa’y mukhang bibigay na. Kabado pa siya n’yan, ah! Mas confident daw kasi siya pag mas maraming spotlight na nakatutok sa kan’ya. Si Vice Ganda, umisip ng paraan para si Krishia ay ‘di na kabahan. Eh, ‘di bigyan ng spotlight, kaso magco-cost cutting nga lang nang very slight. 

Hindi naman ‘slight’ lang ang naging pick-up line ni Jhong kay Max Collins ng Sexy AuthoriTEAM. Hirit niya, ‘max’ masaya ‘pag nand’yan ang magandang bisita. Naku, naku, napa-react tuloy ang mga kasamahan niya. “Nagsisimula na naman si Jhong,” sabi ni Vice Ganda, at nagbiro pa na  baka si Max naman ang bagong recruit ni Jhong sa mga pa-dance lessons niya. Nag-sample rin ang mga co-hurados ni Max. Napa-‘huhu’ ang lahat sa joke ni Ariella Arida, at napaindak sa “Salamin, Salamin” ni Diego Gutierrez.

ADVERTISEMENT

Sa talent round, spoken word poetry tungkol sa kababaihan ang panlaban ni Micaella; isang HOTaw dance number naman ang kay Krishia. Samantala, diwang nasyonalismo ay kanilang binuhay sa  Q and A portion kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga damdamin tungkol sa EDSA People Power Revolution. Sino sa dalawang binibini ang bumuhay sa paghanga ng mga hurado?

Buhay na buhay rin ang kilig dahil monthsary nina Vice Ganda at Ion Perez. Tamis! Loveteam lang ang peg? 

Heaven… Nasa heaven ako,” sabi ni Jolina Magdangal sa iconic hit n’yang “Chuva Choo Choo,” na pinerform ng mga TagoKanta sa Round 1 ng ‘Hide and Sing.’ Eh, si Jackie Gonzaga, ayaw pakabog! May iba’t ibang bersyon ng “Chuva Choo Choo” si Ate Girl mo. 

In fairness, nakuha niya ang atensyon ni TagaHula Gladys Reyes, na bet kunin si Jackie bilang performer sa restaurant niya. Kaya naman si Jhong, inutusan ang ‘alaga’ n’yang si Cianne Dominguez na galawin ang baso at magpakita ng konting pabibo. 

Nagpabibo rin nang husto ang mga singers na nagtatago. Sino ang celebrity sa kanilang tatlo? 

ADVERTISEMENT

Si Gladys, nalito! Kay MC, humingi ng clue! Pero bakit naman ang guess-sing ay nauwi sa intense acting with sampalan scene?! Masakit ba, MC? Samantala, hindi nasaktan sina Gladys at ang kan’yang madlang partner dahil tama ang pinili nilang TagoKanta, pero mali ang hula nila na ito ay si Roselle Nava. 

Ang mystery singer of the day ay si Dianne dela Fuente, na kumanta ng “Believing In Magic.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.