MC, nakaranas ng physical hosting! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MC, nakaranas ng physical hosting! | It’s Showtime

MC, nakaranas ng physical hosting! | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Feb 20, 2025 05:00 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Step by step pero hindi imposibleng sumakses! Ngayong Huwebes, lahat tayo ay papuntang ‘sakses’ basta think positive lang always. Anuman ang ibato sa’yo ng araw na ‘to, maniwala ka lang na kakayanin mo. Tulad ng tatlong grupo na naglaban-laban sa ‘ANSABE.’  

‘Di bale nang mabokya, basta mag-enjoy. ‘Yun nga lang, umpisa pa lang ng laro ay sure na sa FUNishment ang Team A nina Vhong Navarro, Jackie Gonzaga, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Ayesha, at Buli-LIP reader, Stephen.  

Muntik na rin madamay sa parusa  ang grupo nina Argus, Ogie Alcasid, MC, Jugs Jugueta, at Cianne Dominguez. Mabuti na lang naka-one-point si Jaze.  

Bago sumalang sa hulaan, full of confidence pa sina Jhong Hilario, Ion Perez, Anthony Castilo, Lassy, Kulot, at Vice Ganda. Pero paubos na ang oras, hindi pa nakakahula si Kelsey. Ayun, tanggal ang angas ni Meme! “Huwag kang yumayakap-yakap,” pabiro n’yang sabi nang lapitan siya ni Kelsey. ‘Di na nga umubra ang ‘yabang’ ni Meme, naisahan pa siya ni Jhong sa lusutan.  

ADVERTISEMENT

Walang lusot ang Sexy Babe AuthoriTEAM–Max Collins, Joao Constancia, at Chie Filomeno–sa isang joke challenge. Pero, teka lang naman, bakit ‘yung joke ni Max sobrang sosyal? At ang ganda-ganda pa rin talaga kahit nagapatawa! Paano ba niya name-maintain ang happiness at glow kahit isa s’yang busy mama? 

No choice rin sina Chie at Joao kundi ilapag ang mga best jokes nilang baon. Biro naman ni Meme, parang iba ‘yung titig ni Ogie kay Joao, mukhang may magkaka-follow-han sa Instagram!  

Unang rumampa si Sexy Babe Jannah na mukhang nalilito kung ano ba ang personality niya’ng totoo. Siya ba ay madaldal o nonchalant? O baka both naman? Nakilala rin natin si Sexy Babe Den, na isang breadwinner kontesera at SK leader. Scholar din siya bilang volleyball varsity player ng eskwela.  

Mainit ang naging labanan sa talent portion kung saan kinanta ni Jannah ang “Halik sa Hangin” at nagpa-impress naman si Den sa pagtugtog ng xylophone. Pagdating naman sa tanungan, pareho rin silang palaban. Sino nga ba ang dapat magbayad sa first date? At makikipag-date ba sila sa isang lalaking walang pera? Pinataas nila ang temperatura, siguradong mataas din ang scores nila.  

Kagandahan ni Francine Diaz ay fresh and glowing. Maganda rin kaya ang performance niya sa guess-sing sa ‘Hide and Sing’? Samahan si Francine at ang Madlang Partner niya, pati na rin ang mga TagoGulo, sa paghahanap kung sino ang celebrity singer na nagtatago. 

ADVERTISEMENT

Pati madlang audience ay nakihula at nagbigay ng opinyon. Maging si Lassy ay may magandang suggestion. But, based on her observation, ang pinipili ni Francine ay si TagoKanta 3, na ang hula niya ay si Arthur Nery. 

After Round 2, nag-iba ang hula ni Francine. Tindig at mga kulot ni TagoKanta 3 ay kan’yang napansin. Sa huli, it’s a yes sa number na pinili. Pero sa pangalan, it’s a no! Dahil ang tunay na mystery celebrity singer ay si Mark Carpio, ang boses sa likod ng viral hugot song na “Hiling.” 

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.