Act Lang ‘To: Sino ang tunay na nakaupo sa yelo? | It’s Showtime | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Act Lang ‘To: Sino ang tunay na nakaupo sa yelo? | It’s Showtime

ABS-CBN Studios
Published Jan 06, 2025 01:16 PM PHT
|
Updated Jan 06, 2025 03:33 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Pinakinggan ang bulong ng pusong puno ng pangarap, hinakbang ni Sofronio Vasquez ang mga paa sa tanghalan. Naging mailap man ang tagumpay, hindi siya tumigil sa paglalakbay, hanggang sa ang mga pangarap niya’y dinala siya sa pandaigdigang entablado. Sa buong mundo, ipinamalas niya ang husay ng Pilipino.

Ngayong siya’y nagbabalik sa kan’yang unang tahanan, isang hero’s welcome ang inihanda ng buong ‘Showtime’ family para sa pride ng Tawag Ng Tanghalan. Tinupad ni Sofronio ang pangako na “It’s Showtime” ang first stop niya sa pag-uwi sa Pilipinas matapos maging kauna-unahang Asian champion ng The Voice USA, sa ilalim ng mentorship ni Michael Bublé

Hindi na naitago ni Sofronio ang emosyon sa pagbukas pa lang ng ‘It’s Showtime’ stage. Isang powerful performance ang inihanda niya kasama ang mga TNT champs na sina JM Yosures, Lyka Estrella, Rea Gen Villareal, Reiven Umali, JM Dela Cerna at Marielle Yosures, at TNT hurados Nyoy Volante, Klarisse De Guzman, Yeng Constantino, at Darren Espanto.

Mas naging emosyonal si Sofronio nang kausapin ng ‘Showtime’ family sa pangunguna ni Vice Ganda at nang balikan niya ang naging journey from TNT to The Voice USA. Taos-puso ang pasasalamat ni Sofronio sa “It’s Showtime” at “Tawag Ng Tanghalan” na unang nagbigay-daan upang marinig ng buong bansa at buong mundo ang kan’yang tinig. Ayon kay Sofronio, bagama’t hindi siya naging kampeon sa TNT, binigyan pa rin siya ng “It’s Showtime” ng maraming oportunidad tulad ng pagiging vocal trainer. Kaya naman very proud sa kan’ya ang mga ‘kapatid’ sa TNT na minsan siyang tinawag na ‘coach.’

Isang natatanging parangal din ang natanggap ni Sofronio mula sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa pangunguna ni Ogie Alcasid.

We are proud of you, Sofronio!
We are proud of you, Sofronio!
May bagong laro na kaaaliwan ng Madlang People! Sa “Act Lang ‘To,” aakting ang ‘Showtime’ hosts para ma-convince ang players na sila nga ang hinahanap na ‘aktor’ sa bawat round. Ang naglaro for today’s video ay young actors na magagaling at gwapo–sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon. Kasama rin nila ang co-star na si Diana Zubiri.

Sa unang round, nasubukan ang acting skills nina Ryang Bang, Teddy Corpuz, at MC. Base sa kilos at aktingan ng tatlong hosts, kailangang mahulaan ng players kung sino ang totoong nakaupo sa bloke ng yelo.

Mukhang hindi lang players kundi pati sina Vhong Navarro, Kim Chiu, at Ogie Alcasid ay na-challenge sa Round 2 kung saan isa sa kanila ang nakasuot ng botang may slime. Mas effective ba ang high-energy acting ni Kim, ang nakakatawang kilos ni Ogie, o ang nonchalant reaction ni Vhong?

Sino naman kina Vice Ganda, Darren Espanto, at Jackie Gonzaga ang tootoong may hawak na buhay na ipis?

Sa pagbubukas ng baong taon, muling mag-aalab ang pangarap ng mga estudyanteng nagnanais maging kampeon. Bago ang nalalapit na “Huling Tapatan” ng Tawag Ng Taghalan The School Showdown, 15 estudyante muna ang babalik at haharap sa matinding hamon ng “Resbakbakan.”

Bawat araw sa loob ng isang linggo, tatlong resbakers ang maghaharap at isa lamang ang aangat, hanggang sa mapili ang Top 3 na magma-martsa hanggang dulo. Isa sa kanila ang hihirangin na Ultimate Resbaker.

Buena mano sa entablado ang pambato ng Silliman University, Jebros Maglite, na inawit ang “Superstar.” Umubra kaya ang hiling ng mga lola ni Jebros sa mga hurado?

“Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” birit naman ni Francine Doroin. Ayon kay hurado Nyoy Volante, maganda ang mga runs at high notes ng Marinduque State University student.

Kitang-kita naman ni hurado Erik Santos na hindi sinayang ni Chester Gultia ng University of Mindanao Tagum College ang second chance sa TNT stage. “I Surrender” ang kinanta ni Chester.

Si Chester ang hinirang na Top 1 sa araw na ito. Abangan ang pagbabalik niya sa next round, at abangan din ang iba pang resbaker na sasalang sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Read More:
Its Showtime
Vice Ganda
Vhong Navarro
Jhong Hilario
Ryan Bang
Ion Perez
Karylle
Kim Chiu
Amy Perez
Jugs Jugueta
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT