Sexy Babe Tanisha, kinausap ang SARILI?! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sexy Babe Tanisha, kinausap ang SARILI?! | It’s Showtime

Sexy Babe Tanisha, kinausap ang SARILI?! | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jan 31, 2025 06:20 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Thank God it’s Biyernes! Sulitin ang huling araw ng unang taon ng 2025, tapos saluhin ang good vibes at happiness para lahat tayo feeling alive na alive. At dahil Friday na, maglaro muna tayo ng masayang acting na may guessing sa “HulaNino.”

First time humula ni Darren Espanto kasama pa si Jaze na super bibo. At ang category for today’s video: countries. Pagalingan na lang ng diskarte kung paano makakahula ang grupo sa pamamagitan ng kilos at anino. Sina Darren, Vhong Navarro, Jackie Gonzaga, Teddy Corpuz, MC, Cianne Dominguez, at Kelsey, ‘sounds like’ ang naging diskarte, as in ‘pera’ for Peru, ‘kiss’ for Pakistan at ‘fin’ for Finland. Ang pressure, sobrang intense, pinagpawisan tuloy si Darren.

Sina AC Soriano at ‘Showtime’ kid Argus naman ang pambato ng teammates nilang sina Jhong Hilario, Ion Perez, Lassy, Jugs Jugueta, Ryan Bang at Imogen. Same diskarte, at nag-struggle man si AC, grupo pa rin nila ang panalo dahil sa oras nagkatalo.

Ohh la la! Dalawang babe-nibining sexy at maganda ang rumampa sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’ Magkaiba man ng personality, equally sexy pa rin sila in their own ways.

ADVERTISEMENT

No’ng una’y parang naliligaw si Sexy Babe Thanisha na sa sobrang ligalig ay parang lumaklak ng energy drink. Si Meme Vice Ganda lang pala ang magpapakalma sa kan’ya. Mukha ni Meme Vice ay di maipinta sa magulong sagot ni Thanisha. Confidence is ano raw? Pero at the end of the day, sense of humor makes one sexy. At ang totoo n’yan, nalibang daw si Meme.

Kung laro ang kwentuhan with Sexy Babe Thanisha, deep talks naman ang bet ni Sexy Babe Jermaine, na pangarap maging beauty queen. At ang ipinaglalaban niya ay ang pagkatuto ng mga kabataan na maging hardworking, not complacent.

Napapadalas na si Jak Roberto sa Sexy Authori-TEAM, kaya si Jackie parang bet nang mag-enroll sa ‘Jak University.’ Babalikan na lang natin ang usapang ‘to after three months! Pero sina MC at Lassy, dedma sa three-month rule at agad-agad nagpagalingan ng banat para kay Jak.

Sina hurado Arci Munoz at Chie Filomeno, hindi rin nakatakas sa asaran. Napasayaw pa ng biglaan! Samantala, ang joke for today from Ryan Bang:

Anong hayop ang hindi nalalaos? Oops! Watch the video para malaman ang sagot!

Sa ‘Hide and Sing,’ dapat maging alisto para ang celebrity singer na nagkukunwari ay mabisto. Sa madalas niyang pag-upo bilang “Tawag Ng Tanghalan” hurado, maraming istilo ng pagkanta na ang narinig ni Nyoy Volante. Makatulong kaya ang hurado skills niya para mahuli ang tamang TagoKanta?

Ang unang tanong ni Nyoy matapos ang group performance ng tatlong singers. “Anong placement n’yo? Soprano o alto?” Hala! Soprano Vasquez daw, joke ni Darren Espanto. Sabi naman ni Kuys Jhong, baka si Kean Soprano. Havey!

Back to serious mode na sila sa Round 2 kung saan tumaas ang level ng pagkalito. Si TagoKanta 1 ay nag-ala Sarah Geronimo. Opera singer naman ang peg ni TagoKanta 2. Nakakabudol din ang pagbirit ni TagoKanta 3.

Base sa obserbasyon ni Nyoy, mas relaxed ang kilos si TagoKanta 2, ‘yung tipong malalaman mong sanay siya sa malaking entablado. Tama naman si Nyoy sa pagpili kay TagoKanta 2. Pero mali ang hula niya na ito’y si Morissette Amon. Dahil ang mystery celebrity singer of the day ay si Aicelle Santos, na super excited dahil first time niya sa ‘Showtime’ stage.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.