Jake, Andrea, Angel, Albert, at iba pa kasama sa bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo” | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jake, Andrea, Angel, Albert, at iba pa kasama sa bagong yugto ng “FPJ’s Batang Quiapo”

ABS-CBN Studios
Published Jan 30, 2025 01:40 AM PHT
|
Updated Jan 30, 2025 02:06 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/1738173978237Jake-Andrea-Angel-Albert-sa-bagong-yugto-.jpg)
Mas kapanapanabik na “FPJ’s Batang Quiapo” ang masasaksihan sa pagpasok ng mga bigating artista para sa bagong yugto!

Ito ang pangako ng Primetime King na si Coco Martin sa ginanap na “Saludo Kay Tanggol” grand Kapamilya homecoming sa ABS-CBN noong Martes (Enero 28) para ipagdiriwang ang pagsisimula ng ikatlong taon ng serye.

“Pinag-aralan namin mabuti ‘yung bawat kwento, bawat character, at kung paano namin itatahi ‘yung original na kwento at original na mga character sa bagong kwento at mga bagong character. Sinisiguro ko sa lahat ng mga Pilipino na mas maganda, mas maantig, mas maaksyon, at mas madrama ngayon ang ‘FPJ’s Batang Quiapo,’” sabi ni Coco.

Rumampa sa red carpet ang mga bagong cast member sa pangngunguna nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, Albert Martinez, Angel Aquino, Chanda Romero, Shamaine Buencamino, Juan Rodrigo, Dante Rivero, Michael De Mesa, at Celia Rodriguez, kasama sina Paolo Paraiso, Albie Casiño, Gillian Vicencio, Alhdrin John Opilac, Ahl Opilac, at Diana Opilac.

![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381720465031.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381720844622.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721053833.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721204434.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721341835.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721623616.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721697897.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721779848.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/17381721876259.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817219502410.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817220260511.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817221074512.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817221751613.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817222800414.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817223594615.jpg)
![](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/editorImage/173817224214516.jpg)
Layunin din ng “Saludo Kay Tanggol” homecoming ang pasalamatan at bigyang-pugay ang lahat ng bumubuo ng “FPJ’s Batang Quiapo” na nagsisilbing No. 1 primetime teleserye. Pinangunahan nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi ang pagsalubong sa lahat ng members ng cast, creative team, production staff, at mga director.

Patuloy ang pagbibigay-saya at aliw ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa maraming Pilipino matapos itong magtala ng panibagong online record na may 803,123 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 23.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Read More:
Coco Martin
Saludo Kay Tanggol
FPJ’s Batang Quiapo
Batang Quiapo
Batang Quiapo new chapter
Batang Quiapo 3rd year
Batang Quiapo year 3
Grand Kapamilya Homecoming
Jake Cuenca
Andrea Brillantes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT