TNT Grand Finalist Arvery, nakatanggap ng standing ovation mula sa hurados | It's Showtime | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TNT Grand Finalist Arvery, nakatanggap ng standing ovation mula sa hurados | It's Showtime

TNT Grand Finalist Arvery, nakatanggap ng standing ovation mula sa hurados | It's Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jan 18, 2025 06:25 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagmartsa na sa tanghalan ang mga estudyanteng pangmalakasan ang talento sa kantahan! Mga pusong nag-aalab at talentong nagliliyab ang bitbit ng sampung estudyante na nakapasa sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown: Ang Huling Tapatan.” Bandera ng kani-kanilang paaralan, itinaas nila sa laban ng matinding bosesan.

Sa pagbubukas pa lang ng palabas, agad-agad nang nagpakitang-gilas ang mga top students with high honors. Kasama si “Tawag Ng Tanghalan” alumnus at “The Voice USA” Season 26 Grand Champion Sofronio Vasquez, isang mapusong song number ang inihanda ng sampung contenders.

Ipinakilala rin ang mga TNT hurados na pinamumunuan ni Maestro Louie Ocampo, kasama sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Bituin Escalante, Jed Madela, Erik Santos, Jolina Magdangal, Kyla, Nyoy Volante,  Yeng Constantino, Kean Cipriano, Klarisse de Guzman, at Darren Espanto. Umupo rin si Sofronio bilang special guest hurado. 

Sa unang pagsusulit, isa-isang ipinarinig ng sampung finalists ang kanilang pangmalaksan na solo performances. Mala-tigre na nanlalamon at laban na laban ang datingan ni Christian Pasana ng PHINMA University of Pangasinan sa pagkanta ng “Eye of the Tiger.” 

ADVERTISEMENT

Ay, very good din ang performance ni Arvery Lagoring ng Claret School of Lamitan. Mga puso ng hurado at madlang people, hinaplos ni Arvery sa pagkanta ng “Sabihin Mo Sa Akin” at nakakuha ng standing ovation mula sa mga hurado. 

Rock pero sweet naman ang inihandang harana ni Lance Ocoma ng San Mateo Municipal College sa kanyang bersyon ng “Burnout.” Si Mary Khem Cabagte, itinaas ang bandera ng Cebu Normal University sa pagbirit ng “Rise Up.” 

The best performance of her life ang inihain ni Carmelle Collado ng King Thomas Learning Center, Inc., na kinanta ang “Better Days.” Nakatanggap din si Carmelle ng standing ovation mula sa mga hurado. 

Ibinigay ni Western Mindanao State University student Adie Hamja ang lahat ng rason para pusuan mo ang kan’yang pagkanta. “The Reason” ang napili n’yang piyesa. 

Kahit isang saglit ay hindi mo pagdududahan ang galing ni Pia Carandang.  Pinatunayan ng pambato ng Tanauan City Integrated High School ang husay sa pag-awit bitbit ang piyesa na “Kahit Isang Saglit.”

ADVERTISEMENT

Ang panlaban ng City College of Calapan na si Isay Olarte, binigyan ng bagong tunog ang BINI hit na “Salamin.” Pinahanga ni Isay ang buong nation kaya nakatanggap ng standing ovation. 

Napatayo rin ang mga hurado nang mapukaw ang kanilang emosyon sa heartfelt rendition ni Hargie Ganza of Canlubang Integrated School ng OPM classic, “Saan Ka Man Naroroon.” 

Maghanda dahil puso mo’y tiyak mapupunit sa tagos sa kaluluwang pag-awit ni Christian Tibayan ng De La Salle Lipa. Pagkanta niya ng “Kabilang Buhay,” pinalakpakan nina hurado Nyoy Volante at Sofronio Vasquez. 

Mula sa sampu, tatlo lang ang nagmartsa sa ikalawang round, kung saan medley performance ang labanan. Ito ay sina Arvery (Claret School of Lamitan), Carmelle (King Thomas Learning Center, Inc.), at Isay (City College of Calapan). 

Our Top 3 students brought the house down! Pang-OST princess ang atake ni Arvery na hinarana ang lahat sa isang Rey Valera medley with “Pangako Sa’yo,” “Maging Sino Ka Man,” at “Kung Tayo’y Magkakalayo.”

ADVERTISEMENT

Sultry and sweet, soulful and powerful ang ipinarinig ni Carmelle with her Aretha Franklin medley performance. Kabilang sa kan’yang mga inawit ang “A Natural Woman,” “Chain of Fools,” at “Ain’t No Way.”

Hindi naman nagpakabog ang pop-rock style ni Isay, na kinanta ang “OO,” “Sigurado,” at “Tadhana” by Up Dharma Down.

Lahat ay magagaling pero iisa lang ang pwedeng maging HIGHEST HONORS sa singing! Nasungkit ni Arvery ang 3rd place (92.5% total score). Samantala, maganda rin ang naging laban ni Isay, na nakakuha ng 2nd place, at grado na 97.7%

Ang kauna-unahang “Tawag Ng Tanghalan The Schoool Showdown” Grand Champion naman ay si Carmelle, na nakakuha ng score na 98%. 

Makakatanggap si Carmelle ng isang tropeo na dinesenyo ng iskultor na si Ronald Castrillo, management contracts from Star Magic and Star Music, at 1 million pesos. Makakatanggap din ng 100, 000 pesos ang kan’yang paaralan, King Thomas Learning Center, Inc

ADVERTISEMENT


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.