Marko Rudio, mas naging motivated sa trabaho dahil sa anak | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marko Rudio, mas naging motivated sa trabaho dahil sa anak | It’s Showtime

Marko Rudio, mas naging motivated sa trabaho dahil sa anak | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jan 17, 2025 05:46 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

It’s FRI-yey, Madlang People! Sa wakas! Speaking of wakas, isang araw na lang at magtatapos na ang “The School Showdown” edition ng “Tawag Ng Tanghalan.” 

Pero bago pa man ang inaabangan na final bakbakan, isang pride ng TNT ang muling nagbabalik sa ‘Showtime’ stage. What’s up, Marko Rudio? May bagong kanta si Marko na pwede n’yo nang i-stream. At hindi lang tugtugan ang bago sa kan’ya, dahil siya rin ay may bagong cute na biyaya. Daddy na si Marko, kaya mas motivated siya na galingan pa sa buhay. 

Payo rin niya sa mga kabataan na sasalang sa TNT The School Showdown “Huling Tapatan,” galingan sa laban! Mahirap daw sundin ang payo na “relax lang,” pero sa oras na tumuntong sa entablado, kailangan bigay-todo. 

Give na give naman palagi ang little superstars ng ‘Showtime.’ Bago mag-weekend, magkukulitan at aktingan muna sina Argus, Jaze, Kulot, Imogen, Kelsey at Stephen. Ano kaya ang weekend plans ng mga bagets? 

ADVERTISEMENT

Basta, ang magkakapares, plano nila na manalo sa araw na ‘to. Kanya-kanyang paandar sina Teddy Corpuz at Vhong Navarro, Cianne Dominguez at Lorraine Galvez ng ‘Showtime Online U,’ Bela Padilla at MC, Kim Chiu at Ryan Bang, Vhong Navarro at Jackie Gonzaga, at ang singing duo ng ‘Showtime Online U’ na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano. 

Baka next time may dagdag-puntos na rin ang pagkarir sa intro ng mga players? Aba, teka! Walang kai-kaibigan dito, Bela. Kaya inunahan ka ni Kim sa pagpindot. Si Ryan naman, kung hindi sobra ay kinakapos ang mga sagot. At, Cianne, don’t listen sa bulong ng kalaban! 

Huling pagsusulit na sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” Final Examination. Apat na lang ang natitirang estudyan-tinig na sasabak sa face-off rounds. Pero, hanggang dulo, hindi nagkulang sa tensyon at excitement ang mga ganap sa entablado. 

Strategy pa rin ang pinairal ng Team White at Team Black upang maka-survive at magkapag-martsa sa “Huling Tapatan” bukas, Sabado. Pangalan ni Maelynn Rapista ng MAPUA Malayan Colleges from Team White ang unang nabunot. Pero, ipinasa niya sa teammate na si Lance Ocoma ng San Mateo Municipal College ang pagkanta. 

Si Christian Pasana ng PHINMA University ang dapat makakalaban ni Lance. Pero, dahil sa strategy ng Team Black na gawing male vs female contender ang laban, ipinasa ni Christian kay Nayela Nocquiao ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue ang mikropono. 

ADVERTISEMENT

Isang matamis na harana sa awiting “Kung Di Na Ako” ng OPM band Agsunta  ang inihanda ni Lance. Samantala, nag-ala Christina Aguilera si Nayela sa pagbirit ng “The Voice Within.”

Ayon sa komento nina hurado Dingdong Avanzado at Jolina Magdangal, parehong mahusay ang naging pagtatanghal. Pero iisa lang ang aabante sa Huling Tapatan, at ‘yun ay si Lance. 

Dalawang contenders na lang ang natitira para sa second face-off. Wala nang pagkakataon pang umatras sina Christian at Maelynn. 

Damang-dama ang sakit sa “Jealous” performance ni Maelynn, na nakakuha ng grado na 94.6%. Pero, mas mataas ang score na nakuha ni Christian sa pagkanta ng jukebox hit na “Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba,” 95.4%. Samakatuwid, si Christian ang magmamartsa sa Huling Tapatan bukas, Sabado, January 18.


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.