Arvery, emosyonal nang mapag-usapan ang ama | It’s Showtime | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Arvery, emosyonal nang mapag-usapan ang ama | It’s Showtime

Arvery, emosyonal nang mapag-usapan ang ama | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Jan 14, 2025 06:06 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nangangalahati na ang unang buwan ng 2025! Kumusta na ang mga New Year’s Resolution n’yo, mga Kapamilya? Kaya pa bang panindigan ‘yarn?

Dito sa “It’s Showtime,” paninindigan namin ang good vibes n’yo dahil we only choose happiness this Tuesday. Una sa listahan natin ng pampa-happy, ang swabeng sayawan at feel-good kantahan kasama ang P-Pop girl group, Calista, na binigyan ng refreshing twist ang iconic OPM disco hit “Bongga Ka ‘Day.” Saan nga ba galing ang group name nila? Watch the video and you will know!

Kung si Negi naman daw ang bubuo ng grupo kasama sina MC at Lassy, magiging ‘palista’ ang tawag. Pwede bang umutang d’yan? Nakaisip din ng ‘Calista’ joke si Ogie Alcasid. Madlang people, ano ag hatol n’yo kay Ogie? Havey o waley?

There’s no other way, always havey ang aktingan ng ‘Showing Bulilit’ kids! Cuteness overload ang ise-serve nina Argus, Kulot, Kelsey, Imogen, Jaze at Stephen.

ADVERTISEMENT

Pero hindi rin nagpaawat ang ‘Showtime’ hosts sa mga paandar na makulit. Sinimulan nina Ion Perez at Ogie ang pagalingan ng gimik. Hindi tuloy nagpatalo sina Jhong Hilario at Jackie Gonzaga, na naki-“Ice Cream Yummy, Ice Cream Good pa.” Nakaka-heartthrob naman ang joke nina Darren Espanto at Teddy Corpuz. Sweet ang blending ng magka-tandem na Kim Chiu at Jugs Jugueta. Si Vhong Navarro, nagpaubaya para bigyan ng moment si Negi. “Squid Game” ang peg nina Cianne Dominguez at Ryan Bang. Pero, ang mga co-hosts nila, kumontra! Mas pang-Indiana Jones daw kasi ang awra nila.

Very good ang performance ng ‘Showtime’ family for today’s video. Sina Ogie at Ion, gustong baguhin ang laro at gawing pababaan ng score. Naku, mga kuya, ‘pag close fight ang resulta ng hulaan, ‘yung kulelat pa ang makakabawi at mananalo. ‘Di ba, Kuys Ion, napanood mo na ‘yan?

Day 2 na ng week-long Final Examination sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Ang mga natitirang student champions, itutuloy ang hamon sa isang pagsusulit na susubok sa husay nila sa pag-awit.

Hindi ito simpleng bosesan lang, dahil sa round na ‘to, kailangan din ng pautakan. Sa palabunutan malalaman kung sino ang contenders mula sa Team Black at Team White ang maghaharap. Pero ang twist, may pagkakataon ang contenders na magdesisyon kung lalaban sila o ipapasa sa ibang teammate ang pagkanta. May special prize rin na matatanggap ang team na may pinakamaraming survivors.

Buena mano sa bunutan mula sa Team Black si Arvery Lagoring ng Claret School of Lamitan, na hindi umatras sa laban. Nabunot naman mula sa Team White si Aihna Imperial ng Bicol University. Ang araw na ‘to, mukhang inilatag talaga ng destiny. Dahil nagkatotoo ang panaginip ni Aihna na mabubunot siya at makakalaban niya si Arvery.

ADVERTISEMENT

Sa unang pasiklaban sa tanghalan, standing ovation mula sa lahat ng mga hurado ang natanggap ni Arvery na kumanta ng “’Di Ka Nag-Iisa.” Palaban naman si Aihna, na binigay ang lahat sa pagbirit ng “Ipaglalaban Ko,” dahilan para makatanggap din siya ng standing ovation mula sa limang hurado.

Sabi ni hurado Yeng Constantino habang nagpipigil ng luha, tumagos sa buto’t kaluluwa niya ang performance ni Arvery. Sumakit din daw ang ulo ni Darren Espanto, na naramdaman ang puso sa storytelling ni Aihna.

Naging mahigpit ang laban ng dalawang mang-aawit. Pero matapos ang salpukan, si Arvery ang nakakuha ng mas mataas na grado at magpapatuloy ang journey sa tanghalan. Nakakuha siya ng score na 97.6%, na sobrang dikit sa 97.4% score ni Aihna.

Sa next face-off, naging strategic si Pia Caduyac ng Florentino Torres High School, na piniling ipasa muna ang pagkanta sa Team Black co-member na si Den Khayelle Quiatchion ng National University-Laguna. Sa Team White naman, nabunot ang pangalan ni Adie Hamja ng Western Mindanao State University pero ipinasa niya kay Pia Carandang ng Tanauan City Integrated High School ang pagkanta.

Isang powerful performance ang inihanda ni Den Khayelle, na in-entertain ang lahat sa pagkanta ng “Sweet Love.” Singing the OPM love song “Makita Kang Muli,” maganda rin ang laban na ibinigay ni Pia.

ADVERTISEMENT

Sabi ni hurado Bituin Escalante, mukhang ready na si Den to conquer a bigger career in singing. Para naman kay hurado Erik Santos, perfect combo ang good storytelling at vocal calisthenics ni Pia.

Sa one-on-one laban na ito, si Pia ang nakakuha ng mas mataas na grado na 95%, samantala, 94.6% naman ang score na nakuha ni Den. Pasok na rin si Pia sa Huling Tapatan sa Sabado.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide. 

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.