‘Kakambal’ ni Darren, biglang sumingit sa eksena | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Kakambal’ ni Darren, biglang sumingit sa eksena | It’s Showtime

‘Kakambal’ ni Darren, biglang sumingit sa eksena | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Dec 07, 2024 07:26 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang Christmas countdown, mas nagiging exciting! Araw ng Pasko ay paparating, kaya ihanda ang puso sa pagbuhos ng happiness at blessings! 

Feeling blessed ka talaga ‘pag si Kyle Echarri ang kasama. Mabait na tropa na, always a gentleman pa! Pero hindi magiging gentle ang task n’ya na kilatisin ang tatlong Trabahador at hulaan kung sino ang totoong breadwinner na nurse sa “And The Breadwinner Is.” 

Mukhang hindi lang mga Breadwinnables ang mabubuko. Pati si Kyle hindi nakatakas sa ‘paninimbog’ ni Vice Ganda, na may pasimpleng ‘chismis’ tungkol kina Kyle at Andrea Brillantes. Si Kim Chiu rin ay hindi ligtas sa panunukso kay Paulo Avelino. May happy moment din sina Jackie Gonzaga at Darren Espanto. Christmas ba o pa-Valentine’s Day na? 

Kung si Darren ay consistent na tumatama sa panghuhula, matulungan kaya niya ang kaibigan na si Kyle? O baka mauwi lang sa away? Kung sinunod ni Kyle ang payo ni Darren, tumpak sana! 

ADVERTISEMENT

Ang tunay na Breadwinner Nurse ay si Trabahador 2. Sa loob ng isang dekada bilang breadwinner, pakiramdam niya, pinaglipasan na siya ng panahon dahil ang mga taon ay inilaan sa pagmamahal at pagtulong sa pamilya, pero sarili ay nakalimutan na. Damdamin ay para bang pinatigas na ng mga pagsubok, kaya kahit sa pag-iyak man lang ay hindi niya mailabas ang tunay na pinagdadaanan. Hindi biro ang buhay ng isang nurse, lalo na kung ikaw lang ang mag-isang nagtataguyod sa pamilya. Minsan pakiramdam niya ay masyado silang minamalas, na parang kahit anong kayod, at sa tuwing may magandang blessing na dumarating, agad itong babawiin din. 

Sa mga breadwinners, mental health ay huwag kalimutang alagaan. At sa mga pamilya nila, buksan ang mga mata at puso dahil baka sumisigaw na pala sila ng saklolo. 

It’s the season to be jolly! Planado na ba ang mga Christmas parties? Kung naghahanap ng bagong laro na siguradong magpapasaya sa get-together n’yo, panoorin ang very random na parlor game ng ‘Showtime’ family!

Akala nina hurado Marco Sison at Erik Santos ay sisiw lang ang ‘Dugtungan.’ Pero hindi pala kanta, kundi dance moves, ang dudugtungan nila. Sa larong ito, gagayahin mo ang dance steps ng player na nasa harap, at gagawa ka naman ng bagong moves na kokpyahin ng next player. 

Si Bela Padilla, ilang beses umatras sa pila! Pati si Kyle, nakihataw! 

ADVERTISEMENT

At kung akala mong he’s all work and fun, here’s a different side of hurado Marco na ngayon mo lang matutunghayan! Pumila ba naman sa likod ni Jackie Gonzaga,  eh ‘di napilitan si Marco na ipakita ang galing sa paggiling!

Ituloy na natin sa caroling! “Gusto kong ikaw ang pinakamasaya,” ready, sing! Pero bakit si Erik hindi kaboses ni Erik. Mas boses Erik pa si Darren. Gets? Aba! Kaya rin ‘yan ni Vina Morales! So, paano ‘pag nag-duet ang dalawang Vina?!


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

ADVERTISEMENT

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.